in

Bonus Mamme, ibibigay rin sa mga Nanay na mayroong regular na permit to stay

Ang benepisyo ay nakalaang ibigay ngayon sa lahat ng mga Nanay ng walang limitasyon, kahit sa mga dayuhang Ina na mayroon lamang normal na permit to stay. 

 

Simula Jan 1, 2017, sa pamamagitan ng artikulo 1, talata 353 ng batas n. 232/2016 (Stability law) ay ipinatutupad ang pagbibigay ng isang benepisyo, na nagkakahalaga ng 800 euros sa mga aplikanteng future Mothers mula sa ika-pitong buwan ng pagbubuntis. Ito ay ang tinatawag na ‘Bonus Mamme’. 

Kaugnay nito, sa isang Circular ng Inps n. 39 ng 27.02.2017 ay nilinaw ng ahensya ang mga requirements sa pagkakaroon ng access ng mga beneficiaries. Nasasaad ang pagiging kwalipikado ng mga foreign future Mothers, sa pagkakaroon ng requirement tulad ng nasasaad sa artikuli 1, talata 125 L. 190/2014 o ang pagkakaroon ng EC long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti upang matanggap ang nabanggit na uri ng bonus bebè. 

Samantala, sa ordinansa n. 6019 nitong Disyembre 12 ng Hukuman ng Milan ay tinanggap ang apila mula sa APN, ASGI at Fondazione Giulio Piccini laban sa nabanggit na Circular ng Inps. Ayon dito, ang batas na nagtalaga sa pagbibigay ng benepisyo na nagkakahalaga ng 800 euros sa mga future Mothers ay hindi nagbibigay ng anumang karapatan sa Inps na bawasan ang bilang ng mga beneficiaries sa pamamagitan ng pagtatalaga ng limitasyon sa mga dayuhang Ina na walang EC long term residence permit. 

Bilang resulta, ay ipinag-utos ng Hukom sa Inps na ibigay rin ang benepisyo sa lahat ng mga future Mothers na regular na naninirahan sa Italya na nag-aplay at nasa kundisyong nasasaad sa artikulo 1, talata 353 ng Batas 232 ng 2016.

Bilang pagsunod sa nabanggit na ordinansa, ang Inps ay nag-assess para sa mga kinakailangang aksyon para sa online process ng aplikasyon mula sa lahat ng mga Nanay. 

 

Basahin rin:

Bonus “Mamma domani”, ano ito at sino ang kwalipikadong matanggap ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2018, pirmado na!

Bagong e-passport na may bisa ng 10 taon, sisimulang ilabas