in

Boom ng aplikasyon sa citizenship, mahirap matugunan

Tumaas ng apat na beses sa 10 taon, sa 2015 ay tinatayang higit sa 130,000. "Tila bigo ang aming bawat pagsusumikap upang mapabilis ang pagsusuri", Morcone – Min.of Interior.


Roma – Hulyo 21, 2015 – Kung ang Parliyamento ay babaguhin ang mga alituntunin sa pagkamamamayan, ay kailangang baguhin at magkaroon ng mga bagong paraan sa pagsusuri ng mga aplikasyon na nagmula sa mga naghahangad na maging mamamayang Italyano. O ang gawing mas mahusay at higit na epektibo ang burukratikong makina na kumikilos dito.

Ang alternatibo? Higit na mas mahabang panahon para sa kasagutan, sa kabila ng dalawang taong kinakailangan ng batas sa kasalukuyan. Ito ay dahil ang mga aplikasyon para sa Italian citizenship ay literal ng malapit ng sumabog: mula 30,000 ng 2006 sa 101,000 ng 2014. Sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan ay umabot sa 67,822, at kung ito ay magpapatuloy, ang taong 2015 ay magtatapos na may tinatayang 130,000 aplikasyon.

"Sa kondisyong ito ay hindi kailan man matatapos ang mga ito”, ayon kay Mario Morcone, ang head ng Depeartment of Civil liberty and Immigration ng Minsitry of Interior. “Ginagawa namin ang lahat ng paraan upang mapabilis – paliwanag pa ni Morcone sa pamamagitan ng matinding aktibidad ng rasyonalisasyon, pagpapagaan at computerization, ngunit ang patuloy na pagdami ng mga aplikasyon ay tila nagpapawalang-halaga sa anumang aming pagsisikap."
 
Mula noong nakaraang Mayo, ang mga aplikasyon para citizenship ay sinimulang isumite online. Ito marahil ay ang nagpadali para sa mga nais maging mamamayang Italyano ngunit kabaligtaran naman para sa Ministry of Interior. “Maging ang bagong sistemang ito ay naging sanhi sa pagkakaroon ng higit na maraming aplikasyon”.

 Sa harap ng mga kinatawan ng Constitutional Affairs Committee, na kasalukuyang kumikilos para sa reporma ng pagkamamamayan, ay sinabi ni Morcone ang kanyang paniniwala sa isang solusyon para sa mga menor na ipinanganak o dumating sa Italya sa murang gulang at sang-ayon ukol sa pagbabawas sa taon ng paninirahan bilang residente sa bansa para sa naturalization ng mga nakatatanda, na kasalukuyang 10 taon. Gayunpaman, nakaturo ang kanyang daliri lalo na sa mabagal na adminstrasyon.

"Kailangan ang mga bagong pamamaraan ng desentralisasyon sa pagsusuri, na makakatulong upang mapabilis ang pagbibigay opinyon at panahon ng pagtanggap o pagtanggi sa mga aplikasyon”, mungkahi ng prefect. Sa madaling salita, ang ibang tanggapan, o ang lokal na tanggapan, ang susuri sa mga aplikasyon. Hindi naman ipinaliwanag ni Morcone kung anong mga tanggapan ngunit kanyang ipinagkakatiwala sa Committee ang “madugong bilang ng mga nakabinbing aplikasyon”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng abiso bago tanggalin sa trabaho, karapatan ng mga colf

Blood Donation at Anti-doping, kampanya ng Pinoy Runners Club of Milan