“Binabawi ko ang aking mga salitang nakasakit sa isang black person at lalong higit bilang isang babae”. Ang kilalang leghista ay sinabing kusang sinuspinde ang sarili “upang pangalagaan ang Lega at habang hinihintay ang paglilinaw buhat sa Efd”. Ayon naman sa direktor ng Art. 21 ay ang British UKIP ang nagsuspinde dito.
Roma – Mayo 23, 2013 – Ang mga pang-iinsulto ni Mario Borghezio sa bagong Ministro ng Integrasyon na si Cècile Kyenge tulad ng “scelta del c…”, “governo del bonga bonga”, "casalinga di Modena" at iba pa, ay tila bumabalik na sa kanya.
Ayon kay Borghezio ay kusang sinuspinde ang sarili sa grupong Efd (Europa della libertà e della democrazia), na sa Europarliament ay nagbubuklod sa Lega Nord at sa ibang grupo tulad ng United Kingdom Independence Party.
Isang desisyon na diumano’y upang “pangalagaan ang Lega at habang hinihintay ang mga paglilinaw buhat sa Efd. Nagkaroon ng isang pagpupulong noong nakaraang gabi. Hiniling ko ang teksto ng panayam kay Minister Kyenge upang ipasalin sa wikang ingles. Habang ako ay naghihintay ng paglilinaw, naramdaman ko ang aking tungkuling isuspinde ang aking sarili. Naniniwala akong mabibigyan ito ng solusyon sa loob ng isang buwan”, paliwanag sa panayam ng pahayagang Repubblica.
Ang direktor ng Art 21 na si Stefano Corradino, na sa pamamagitan ng kanyang asosasyon ay inilunsad ang petisyon para sa pagbibitiw ni Borghezio, ay nagbibigay ng ibang bersyon. “Sa isang pagpupulong ng grupo habang ang Art 21 ay pinulong ang pangulong Schultz at ilang head ng nasabing grupo upang isumite sa kanila ang 130,000 signatures, ang British head ng Ukip, ang pinakamalaking grupo ng Efd ay hiningi diumano ang pagpapatalsik kay Borghezio sa grupo. Ngunit sa kasalukuyan, ang desisyon diumano ay ang pagsuspinde dito”.
Matapos ang pagpupulong sa Strasbourg, ang limang pangunahing partido sa Europarliament ay nagpahiwatig ng pang-unawa kay Minister Kyenge at isang mabigat na parusa laban sa mga komento ng rasismo at laban sa gender issue na inihayag ni Borghezio.
“Humihingi ako ng paumanhin”
Sa pamamagitan ng isang liham sa Pangulong si Martin Schulz at binasa mismo sa Parliyamento sa Strasbourg, si Borghezio ay “humihingi ng paumanhin sa naging paraan ng pagtuligsa laban sa Ministro, at nais lamang diumano na batikusin bilang politiko at ang pamamaraan ng pagharap sa imigrasyon na hindi nito sinasang-ayunan, lalong higit ang pang-unawa sa pagiging sanhi ng kawalan ng paggalang sa Parliyamento gayun din sa Europa della libertà e della democrazia”.
Ayon pa dito ay “hihintayin ng payapa” anumang desisyon ang gawin ni Schulz maging parusa man ito.
“Aking naramdaman ang pangangailangang humingi ng paumanhing makakakumbinsi sa Minister”, dagdag pa ni Borghezio. “Binabawi ko ang aking mga sinabi na nakasakit sa isang black person at lalong higit bilang isang babae”.
Hindi ito ang unang pagkakataon sa ganitong sitwasyon para sa leghista na si Borghezio. Noong 2011, sa katunayan, ang sinuspinde rin ng tatlong buwan makalipas ang ilang deklarasyon para kay Andres Behring Breivik, na pumaslang ng 66 katao sa pagitan ng Oslo at Utoya na itinuring ni Borghezio bilang tama at dapat gawin.