"Ang Italya upang lumago ay nangangailangan ng mga imigrante, kailangan tulungan natin sila sa integrasyon at kailangan natin silang tingnan sa ibang pananaw”.
Palermo, Enero 28, 2013 – "Ang Bossi-Fini law ay dapat mabago dahil nabago na ang reyalidad sa bansa. Hindi na isang bansang napapailalim sa mga pagdaong ng mga migrante, bagkus mga komunidad." Ito ay ayon sa Minister of International Cooperation Andrea Riccardi, sa Palermo.
"Ang Italya upang lumago ay nangangailangan ng mga imigrante – paliwanang ni Riccardi – kailangan natin silang tulungan sa integrasyon at kailangan natin silang tingnan sa ibang pananaw. Sa Sicily ay nakita ko ang kanilang kapasidad sa integrasyon na hindi ko natagpuan sa ibang lungsod sa Itaya, lalong higit sa North Italy kung saan mayroong panghuhusga sa mga dayuhan buhat sa Lega Nord na naghasik ng takot sa mga mamamayan”.
"Ang Sicilian society ay bukas – pagpapatuloy pa ng Ministro – may kapasidad tanggapin at unawain ang halaga ng pagkakaroon ng mga dayuhan. Umaasa ako na ito ay kakalat sa buong Italya, kahit na ako ay nasisiyahan na dahil sa loob ng isang taon ay nabago ang pananalita ukol sa mga dayuhan”. Ngunit ang
Bossi-Fini "ay dapat na mabagodahil napalitan na rin ang reyalidad sa bansa. Hindi na tayo isang bansang napapailalim sa pagdaong ng mga migrante bagkus ay isang bansa ng mga komunidad”.
"Ninais kong gumawa ng batas ng pagkamamamayan para sa mga anak ng mga imigrante ngunit ito ay hindi natura. Ako ay nalulungkot dahil sa Parliament ay walang majority” – pagtatapos ni Riccardi.