in

Bricolo: “Prioridad ang mga migrante ng bagong gobyerno”

Ito ang pagkakaton upang mag-focus sa pensioners, senior citizens at mga kabataang walang tiyak na kinabukasan dahil hirap umabot sa katapusan ng buwan”

altRoma – “Prioridad ng bagong pamahalaan ang mga migrante samantalang kailangang mag-focus sa pensioners, senior citizens, mga kabataang walang katik na kinabukasan dahil hirap umabot sa katapusan ng buwan.”

Ganito ang mga pangungusap ng lider ng ​​Lega Nord sa Senado, Federico Bricolo, sa paghahayag  ng boto sa Palazzo Madama.

“Hindi kami boboto sa confidence sa pamahalaang Monti. Gagampanan namin ang pagiging tunay na oposisyon, maingat, responsable, handang ipagtanggol ang interes ng aming bayan, ng North at ng Padania”.

Sa pagpapatuloy ng kinatawan ng Lega Nord: “Ang Italya sa Europa ay walang-halaga Ang mga desisyon ay nagmumula kina Merkel, Sarkozy at ibang kasapi. “Sa pagharap sa  Punong Ministro ay tinanong ni Bricolo: “Ang mga bagong itinalaga ay para sa sariling interes o sa interes ng mamamayan?”. Ang senador ng Lega Nord ay inatake si Monti para sa paglilikha ng Ministry ng pagkakaisa, ng bansa na kumakatawan sa Antifederalists” at “ang kooperasyon at integration na ‘priority‘ ang mga migrante sa panahong dapat na mag-focus sa pensioners, senior citizens, mga kabataang walang tiyak na kinabukasan na hindi kayang umabot sa katapusan ng buwan. “

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pangangalap ng pirma para sa citizenship at right to vote ng mga migrante, gaganapin bukas!

Dalawang Filipinong nagpapautang, natuklasan ng Guardia di Finanza