May halos isang daang libo ang mga dayuhang negosyantena pawang mga kababaihan. 70 % ay nasa service industry.
Rome – Hindi lamang mga colfs at caregivers: halos 70% ay mga nasa service industry, ang 13.5% naman ay mga may negosyo ng rental at travel agency , ang 15% sa business at catering. Ito ay ayon sa isang ulat ng mga kababaihang dayuhan na negosyante sa Italya ng Osservatorio sull’evoluzione dell’imprenditoria femminile nel terziario at ng Confcommercio Censis.
Halos isang daang libo (98,294) ang mga kababaihang dayuhang aktibo sa Italya at 15.8% ng mga ito ay pawang mga Intsik sa catering o restaurant industry at business. Sumunod ang mga Romanians 7.6% mga Swiss 7.3%, Moroccan 6.7% at Germans 6.3%.
Sa kasalukuyan umaabot sa 73,861 ang mga aktibong negosyante at sa service industry nabibilang ang karamihan sa mga kababaihan, ngunit ang boom ay sumasaklaw sa lahat ng sektor: sa agrikultura 3.7% at sa industriya 5.8%. Sa servcie industry ay tumaas ng 6.5% sa loob lamang ng 2 taon (2009-2010).
Karaniwang mas bata kaysa sa mga Italyano: halos 80% (kumpara sa 60% ng mga Italyano) ay may edad na mas mababa ng 50 taong gulang at 67% sa pagitan ng edad na 30 at 49 at 13.1% ay mas bata sa 29 taong gulang. Ang lugar na pinaka ‘multi-etniko’ ay ang Central Italy, na may 9.3% ng mga kababaihan na nagmamay-ari ng mga negosyo; Teramo at Trieste naman ang mga probinsiya na mayroong pinakamataas na bilang ng mga kababaihan sa service industry (13.8% at 13.7%). Kabilang sa mga lungsod tulad ng Milan at Roma sa nangungunang sampang lungsod, bilang ikaapat na may 13% at ikapito na may 11, 8% ng mga kababaihang negosyante sa bansa.