in

Buwis at sahod, gagawan ng self-certification

Upang ganap na matapos ang proseso ng Regularization, ay hinihingi ang kabayaran sa anim na buwang nakalipas (arretrati) ng sahod, buwis at kontribusyon. Narito ang mga sample declaration.  

Roma, Nob. 5, 2012 – Para sa mga imigrante, pamilya at mga kumpanya na nakabilang sa huling Regularization, ay nagsisimula na ang paghihintay.

Ang higit sa 130,000 aplikasyon ay sumasailalim sa mga pagsusuri ng Questure, Direzioni Territoriali del Lavoro at Sportelli Unici per l’Immigrazione, at kung sakaling walang anumang hadlang ay maaaring tawagin ang employer at worker upang pirmahan ang kilalang contratto di soggiorno. Upang tuluyang matapos ang proseso ng Regularization, ang mga employer ay dapat siguraduhing nabayaran ang (at least) anim na buwang nakalipas na sahod, buwis at kontribusyon.

Para sa kontribusyon, ang mga kumpanya ay dapat ipakita nag kopya ng Uniemens o ang kopya ng form DMAG, para sa sektor ng agriculture. Sa mga pamilya naman ay sapat ng ipakita ang mga resibo ng bollettini MAV buhat sa Inps na ipinadala sa mga pamilya.

Ang mga nakalipas na buwis (arretrati) ay hihingin lamang sa mga kumpanya, kung ang domestic job ay hindi sostituto d’imposta ng employer. Ang unang deadline sa pagbabayad ng ritenute fiscali ng mga worker na inire-regularized ay sa Nov 16. Sa mga sortello unico ay ipapakita ng mga employer ang isang self-certification, na inilathala kamakailan ng Ministry of Interior ang isang sample.

Maaaring gawin ang self-certification sa pamamagitan ng isang declaration ng employer at worker (narito ang mga sample subordinate job o domestic job) gayun din ang payment sa mga nakalipas na sahod. Ang mga ito ay hindi dapat na mas mababa sa minimum wage na itinakda ng contratto colletivo nazionale di riferimento (CCNL) at samakatwid, sa halaga ng assegno sociale.

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Permit to stay sa Italya, maaaring gamitin sa ibang bansa ng EU upang mag-aral o mag-trabaho?

Statistical Dossier on Immigration 2012 – 5 milyong regular na imigrante, patuloy ang pagdami