in

Buwis ng mga permit to stay? “Hindi na babayaran!” – Questura

Sa wakas, tatanggapin na ang mga application nang walang bayad, ayon mismo sa Ministry of Interior. Binago na ang programa para sa issuance at renewal ng mga permit to stay! 

 

Roma, Hulyo 22, 2016 – Wala ng maaaring idahilan pa ang mga Questura. Kailangan nilang i-release o i-renew ang mga permit to stay at hindi na kailangan pang hingin ang pinagbayarang buwis na nagkakahalaga ng 80, 100 at 200 euros na wala ng bisa na. 

Ito ay matapos magbigay ng pahayag ang Interior Ministry ukol sa epekto ng hatol ng Tar Lazio na noong nakaraang Mayo 24 ay nagpawalang-bisa sa pagbabayad ng kontribusyon para sa releasing at renewal ng mga permit to stay. 

Matatandaang nagpatuloy ang mga Questura sa pagbingi-bingihan ukol sa naging desisyon ng mga hukom at nagpatuloy sa paghingi at pananakot na hindi tatanggapin ang mga aplikasyong walang bayad na payment. Ang mga Patronati (o authorized office) at Comuni ay humingi rin ng paglilinaw sa Viminale at sa wakas, ang pinakahihintay na sagot ng nabanggit na tanggapan ay inilabas kamakailan buhat kay Undersecretary Domenico Manzione na nagpadala sa Anci Immigration department head na si Matteo Biffoni ng isang komunikasyon buhat sa Department of Public Security. 

Sa nasabing memo ay ipinaliwanag na “batay sa hatol” ng TAR, noong nakaraang Hunyo 23 ay nag-assess o binago ang “sistema Stranieri Web” o ang online program para sa releasing at renewal ng mga permit to stay na ginagamit ng Questure. Ang update na ito ay “magpapahintulot sa pag-proseso sa mga aplikasyon, kahit walang payment ng buwis, simula noong nakaraang May 24”. 

Ang mga tanggapan, samakatuwid, ay “magpapatuloy sa pagproseso ng pagsusuri ng mga aplikasyon na hindi isasaalang-alang kung bayad ang kontribusyon maging sa renewal o releasing ng permit to stay”. Bilang pagtatapos ay nasasaad na “ang halaga sa pagsusumite ng aplikasyon ay nagkakahalaga lamang ng 30,46 euros para sa electronic permit to stay”. 

Samakatwid, ang sinumang mag-aaplay ng releasing o renewal ng permit to stay ay dapat bayaran lamang ang 30,46 euros gamit ang conto corrente numero n. 67422402 sa Ministero dell’Economia e delle Finanze at sa causale ay “Importo per il rilascio del permesso di soggiorno elettronico”. Sa halagang ito ay idadagdag ang 16 euros ng marca da bollo at ang 30,00 euros para sa serbisyo ng Poste Italiane na ang kabuuang halaga ay 76,46 euros

Gayunpaman ay inaasahang gagawa ng malawakang info campaign ang Ministry of Interior para sa lahat ng mga Questure, sa mga dayuhan at higit sa lahat, sa mga post office na patuloy na nagbibigay ng maling impormasyon sa sinumang nagre-renew ng mga permit to stay. Bukod dito, ay kailangang ibalik sa mga dayuhan ang hindi makatwirang ibinayad ng mga ito. 

Ito ay simula pa lamang, mahaba ba ang proseso. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta d’Identità Elettronica, handa na sa ilang Comune sa Italya

Mariel Coronacion Agnis, nawawala noong Huwebes pa!