in

Buwis ng permit to stay, sinimulang ibalik sa mga imigrante

“Accettazione totale” sa isinampang kaso sa Naples ng  isang dayuhang pamilya kasama ang Inca Cgil. Matatanggap ng buo ang labis na ibinayad. Tinatayang aabot sa kalahating bilyon ang kabuuang halaga.  

 

Pebrero 20, 2017 – Maaaring mabawi ng sinumang nagbayad ng labis sa halagang dapat. Ito ay ayon sa Civil Code at ito ay para sa milyun-milyong mga dayuhan sa Italya na sa loob ng maraming taon ay hindi makatwirang siningil ng halagang 80, 100 at 200 euros para sa releasing at renewal ng permit to stay. 

Ito ang nangyari sa pamilya Compaore, ang ama ay isang mangagawa at ang Ina ay isang housewife mula sa Burkina Faso Africa na naninirahan kasama ang 6 na anak sa Melito, Naples. Sa nabanggit na pamilya ay ibabalik ng estado ang buong halagang ibinayad nito, tulad ng ipinag-uutos ng Civil section ng Tribunale di Napoli ilang araw pa lamang ang nakakalipas.

Matatandaang simula noong nakaraang Oktubre ay ganap na tinanggal na ang buwis (o kontribusyon) sa releasing at renewal ng mga permit to stay. Ito ay tinanggal dahil hindi makatwiran, dahil bukod sa ito ay sobra at hindi angkop, ito ay isang hadlang sa karapatan ng mga imigrante. Nagbigay hatol ang Council of State sa pagtatapos ng legal process, na tumagal ng taon sa pangunguna ng Inca Cgil.

Samantala, ang patronato at sindicato ay sinimulan sa buong Italya ang pagsasampa ng kaso upang maibalik sa mga dayuhan ang hindi makatwirang ibinayad ng mga ito. Isa sa mga kasong ito ay mula sa pamilya Compaore, na ipinanalo noong Oct 16  sa pamamagitan ng isang order na “accettazione totale” o tinatanggap ng buo. 

Si Judge Fabio Maffei ang humawak ng kaso sa pamamagitan ng tatlong posisyon mula sa European Court of Justice, Administrative Court sa Lazio at Council of State na nagtanggal sa nasabing buwis at isinulat “hindi maaaring hindi bigyang-diin ang mga probisyon na tumtukoy sa kontribusyon ng releasing at renewal ng permit to stay, ayon sa limitasyong nasasaad, ito ay hindi makatwiran”. 

Samakatwid ay hiningi ng pamilyang Compaore “na ibalik ang halagang ibinayad sa public administration”. Dahil sa nasabing hatol, ang Ministry of Interior at Economy ay kailangang ibalik sa kanila ang halagang 500 euros pati ang interes, bukod pa sa legal expenses. 

Sa ngayon ay 500 euros, ang para sa iba ay humigit kumulang na pareho ang halaga (batay sa mga lakip na resibo) na inaasahang unti-unti ay lalabas na ang resulta ng mga unang kasong inihain ng Inca Cgil. Ngunit ang halagang pinag-uusapan ay higit na malaki dahil ang buwis o kontribusyon na ibinayad ng lahat ng mga imigrante ay tinatayang halos kalahating bilyong euros. 

Ang pamahalaan ay patuloy na nagbibingi-bingihan marahil dahil isinasaalang-alang na mas makakabuti ang unti-unting pagbabalik ng halagang ito matapos ang hatol ng hukom. Sa Napoli, ay sumilaw ang isang pag-asa para sa mga imigrante at magiging mahirap ang ito ay takasan ng administrasyon. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, nangunguna sa listahan ng mga migrant volunteers sa pagbisita ng Santo Padre sa Milan

North Italy AGAD, isasatupad na!