Regional Synergy – Italialavoro. Kabilang sa mga inisyatiba ay ang programa ng Relar, na naglalayong umpisahan ang apprenticeships sa construction, agriculture at turismo para sa mga migrante na nakatira sa Campania. Sa ngayon ay umabot na sa 521 ang mga request, kung saan ang 64 ay mula sa mga non-EU nationals at ang 457 ay mula sa mga EU nationals.
Naples – Halos 3000 ang hiring at higit sa 2700 ang inumpisahang internship, karamihan sa mga ito ay mga migrante.
Ito ang risulta ng 18 buwang aktibidad ng ItaliaLavoro sa pakikipagtulungan ng Rehiyon ng Campania. Sa mga pagkilos ng ahensiya, sa pakikipagtulungan ng Ministry of Labour and Welfare at ng Rehiyon ay lumahok ang 3100 mga kumpanya, kung saan ang 91% ay mayroong sampung mga empleyado lamang. Ang 55% ng 2,926 ng mga walang trabahong tinanggap ay mga kababaihan (1.609) at ang 54% ay may edad mula 18 hanggang 32 anyos. Para sa apat na mga proyekto na sinimulan (In.La 2, Lavoro e Sviluppo4, Ar.Co at Quadrifolgio) ay naglaan ng halos 24,000,000 euros. “Ang 85% ng pondong ito – ayon sa head ng ItaliaLavoro para sa Campania at Calabria, Michele Raccuglia – ay nakalaan na at ang 70% ay na-allocate na.
Ang Regional Assesor para sa Labour, Severino Nappi, ay binigyang diin ang “synergy kasama ang Ministry upang lumikha ng maraming posibilidad para sa isang tumpak na trabaho at hindi ng isang sobra o naka-pending na serbisyo.”Kabilang sa mga inisyatiba na ipatutupad ay ang programa ng Relar, na naglalayon ng activation ng apprenticeships sa construction, agriculture at turismo para sa mga migrante na nakatira sa Campania. Sa ngayon ay umabot na sa 521 ang mga request, kung saan ang 64 ay mula sa mga non-EU nationals at ang 457 ay mula sa mga EU nationals.
“Ito ay isang aksyon na napapaloob sa ‘Campania al Lavoro’ at makatutulong na mabawasan ang lavoro nero” paliwanag pa nito. Para sa general manager ng Immigration ng Ministry of Labour, Natale Forlani, “Kasalukuyang ipatutupad ang isang pagbabago. Sa ngayon ako ay nakakatanggap ng mga kahilingan mula sa organisasyon, na nagsayang ng bilyon-bilyong euro sa paghahanda ngunit sira ang market trend dahil hindi kumakatawan sa tunay na trabaho”.