in

Cancellieri at Fornero para sa pamamahala sa migrasyon

Dalawang kababaihan ang niluklok ni Mario Monti bilang pinuno ng dalawang ministries na mahalaga para sa mga migrante sa Italya. Sa Ministry of Interior ang dating prefect ng mga lungsod ng Bologna at Parma, at sa Via Fornovo naman ang propesor ng Economics sa unibersidad na esperta sa insurance.

altRome – Magkakaroon ng dalawang kababaihan na hahawak sa mga key post sa imigrasyon sa ilalim ng pamamahala ni Mario Monti, si Anna Maria Cancellieri ay ang sa Ministry of Interior, at si Elsa Fornero sa Ministry of Labour and Social Affairs at hahawak sa Equal Opportunity. Mga pangalang hanggang sa kasalukuyan ay naging tahimik ngunit magiging maingay sa mga migrante na nasa Italya, dahil sa kanilang mga hawak na ministries.

Ang Ministry of Interior, bukod sa paglaban sa iligal na imigrasyon, ito ay namamahala ng lahat ng bureaucracy ng lahat ng mga regular na migrante sa bansa, mula sa releasing at renewal ng mga permit to stay at mga application ng citizenship. Ang Ministry of Labour and Social Affairs naman, bukod sa maraming mga bagay, ito ang nagtatalaga ng taunang entries sa bansa para sa trabaho at nagtataguyod ng iba’t ibang pang mga operasyon para sa integrasyon. At dahil sa hahawakang Equal Opprtunity, pati na rin ang National Bureau against Discrimination.

Anna Maria Cancellieri, 67 taong gulang, buhat sa Roma ay mayroong mahalagang karera sa listahan ng mga personalities ng Ministry of Interior. Naging prefect ng mahalagang mga probinsya tulad ng Vicenza, Bergamo, Brescia, Catania at Genoa. Pensyonada mula 2008, pinamunuan mula Pebrero 2010 hanggang May 2011 ang Lunsod ng Bologna, matapos ang pagbibitiw ng alkalde, bilang Prefectural commissioner. Parehong role ang ginagampanan hanggang kasalukuyan sa Parma.

Elsa Fornero, 63, mula sa Turin, isang Propesor ng Economics sa University of Turin at Scientific Coordinator ng Centre for Research on Pensions and Welfare Policies (CERP). Vice-chairman ng Surveillance council ng Intesa Sanpaolo at miyembro ng Evaluating group of Social costs ng Ministry of  Welfare at isang dalubhasa sa pagtitipid, publikong seguridad at pribadong pensiyon at life insurance.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino binugbog matapos pagnakawan ng magkapatid na Moroccan

COMUNITA’ FILIPPINA DI NAPOLI, NAGDIWANG NG IKA-34 ANIBERSARYO