in

Cancellieri – “Bagong pamamaraan sa mga permit to stay, malapit na”

Kami ay nakatutok sa information tecnology, sa pagbabago sa logistics at ang ibilang ang third sector. At ang buwis? “Amin pang pinag-aaralan”

altRoma – Pebrero17, 2012– Malapit na ang pinakahihintay na mga bagong procedures upang mabawasan ang panahong  kinakailangan sa mga permit to stay at ang pagbibigay ng citizenship. Ito ang pahayag ng Ministro ng Interior Annamaria Cancellieri sa isang panayam ng Group”Qn”.

Ang pangunahing mga pagbabago ng software ay magpapahintulot sa pag-aaplay online upang makakuhang kinakailangang ‘convocazione’ o appointment upang mapabilis ang proseso. Ang  ilang mga pagbabago sa Logistics at mga magiging role ng mga boluntaryong organisasyon naaktibo sa larangan ng imigrasyon. Ito ay magsisimula sal oob ng ilang linggo “kapag ito ay handa na-sabi pa niCancellieri- ang computer program na ito ang magpapatakbo ng bagong sistema ay magpapahintulot upang mapagaan ang mga dokumentasyon at panahon ng paghihintay.”

Ang Ministro, sa kabilang banda,”ay nangangailangan pa ng panahon “upang reformulate ang buwis sa permit to stay. “Pinag-aaralan namin: ang buwis ay ayon  sa isang batas na may tahasang reference ng magiging gamit nito. Kailangang isaalang-alang ang buong larawan. Kami ay nakatutok sa  mga modelo na magbibigay ng mga bagong pamamaraan para sa renewal ng permit to stay at ang aplikasyon para sa citizenship”.

At para samga posibleng susog ng mga patakaran upang maging Italyano, inulit ni Cancellieri: “Ang aking posisyon ay malinaw: Ako ay para sa  ius soli temperate, na kalakip ang edukasyon, kaalaman sa wikang Italyano, integrasyon sa lipunan. Subalit hintayin natin ang mga desisyon ng Parlyamento. “

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pito sa bawat sampung dayuhan ay dumadanas ng post traumatic stress disorder

Isang tahimik na protesta laban sa overtaxing ng mga permit to stay