in

Cancellieri, pabor sa jus soli temperato

“Italyano ang sinumang ipinanganak sa Italya at dito ay nakatapos ng isang buong academic period. Sa pakikipagtulungan sa Libya naman ay igagalang ang karapatang pantao”

altRoma – Hunyo 21, 2012 – “Ang pagbibigay ng citizenship sa mga batang dayuhan na ipinanganak sa Italya, na nakatapos ng isang academic period sa bansa (maaaring elementarya o High School), batay sa isang “jus soli temperato” (o conditional jus soli). Ito ang posisyon ng Ministro na si Annamaria Cancellieri, sa kanyang pagsasalita kahapon sa Roma, sa Library ng Senado sa presentasyon ng Ulat sa katayaun at karapatan ng mga profughi at ng mga imigrante na pinangangalagaan ng asosasyon ‘A Buon Diritto’.

Ang Ministro pagkatapos ay nagsalita rin ukol sa kasunduan sa Libya, at binigyang diin muli na “walang sinuman ang ayaw rispetuhin ang karapatang pantao ng mga imigrante, ng mga refugees at ng mga migrante: at kung mayroon mang hindi ririspeto sa karapatang ito, ay aming paparusahan at kung sakaling mayroong mga pagkakamali ay aming  itatama. Sa naging kasunduan ay walang anumang segreto at kung mayroon mang nagsalita ng kawalan ng transparency ay maaaring hindi impormado o maaaring naninira lamang”.

Ipinaalala rin ni Cancellieri na “sa kasalukuyan, ay aming pinangangalagaan ang humigit kumulang  na 28,000 mga imigrante sa ating mga emergency shelters, na matatagpuan sa buong bansa at mayroong isang mataas na budget. Ngunit ang ordinansa ng civil protection ay matatapos sa taong ito”. Samatala, ukol sa mga request ng political asylum, “ay sinusuring lahat at 30% pa lamang hanggang ngayon ang binigyan ng positibong kasagutan. Mayroong isang mabigat na pangako mula sa pamahalaan sa pagbibigay ng mas mabilis at mas sibil na kasagutan. Pinagkalooban rin ng mga permit to stay upang makapagtrabaho”.

Ang Ministro ay kinumpirma rin na sa Lampedusa “ay muling bubuksan ang Center kung saan ay matatagpuan ang welcome committee na gagabay sa kanila sa ilang bahagi ng bansa. Tungkol naman sa ‘mapanganib na daungan’ na inihayag kamakailan, ay kailangan nating maghintay ng ilang buwan hanggang sa magbunga ang pinirmahang kasunduan, pagkatapos ay ang pagkilos”. Ang Centre ay maaaring magtaglay ng 300 katao.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nagpalit ako ng aking apelyido. Ano ang dapat kong gawin sa aking permit to stay?

Mommy & Daddy Showdown 2012 hatid ng Guardians Marilag Group