Walo sa bawat sampung mangagawa ay dayuhan. ANAP: ” Tanging 1, 2% lamang sa pondo ng Welfare ang nakalaan bilang tulong sa mga pamilya. Ang mga Italians naman ay nagbabayad mula sa sariling bulsa para sa mga serbisyo at asistensyang kinakailangan.
Rome – Patuloy ang pagtaas ng pangangailangan sa mga care givers at colf ng mga pamilyang Italyano. Tumaas ng 25% sa huling limang taon. Ayon sa Istat noong 2008, umaabot 664,785 ang mga colf at dahil na rin sa tinatawag na ‘lavoro nero’ o ang hindi pagre-regular sa mga trabahador, tinatayang aabot sa 1,400,000 ang totoong bilang ng mga ito.
Ito ang bilang ng Research Department ng Confartigianato na kinilala ang mga dahilan sa pagtaas ng bilang “ang hindi balanseng pagbabahagi ng pondong publiko, higit sa pensyon at kulang sa asistensyang pang-pamilya sa konteksto ng patuloy na pagtaas ng populasyon ng mga nagkaka-edad.”
“Ang Italya ay naglaan ng pondo para sa pensyon at sa mga gastusin nito ng 58.4% sa kabuuang pondo para sa Welfare, katumbas ng 3.7 % ng GDP.Habang 1, 2% lamang ng GDP ng bansa ang nakalaan bilang suporta sa mga pamilya at sa mga gastusin dito, hindi tulad ngAlemanya, ng Pransya at ng UK na naglaan ng dobleng pondo: 2.8%, 2.5% at 2.4%. Halos parehong basehan din ang sa “disability-invalidity “, kung saan napakanipis ng pondo. Sa katunayan matatagpuan sa pangalawang pinakamababang posisyon ng mga bansa sa Europa ang Italya”, ayon kay Giampaolo Palaces, ang Presidente ng asosasyon ng mga pensioners (Anap) ng Confartigianato bilang pagpuna sa mga dato.
Para sa Confartigianato ito ay nagpapahiwatig ng higit na pagtingin sa mga pribadong bahagi sa pangangailangan sa kalinga at tulong. “Sa ating bansa mayroong 2,356,000 mga pamilyang may kasambahay na disable. Ang 12.5% ng mga ito, katumbas ng 294,000mga pamilya ay napipilitang humingi ng tulong na binabayaran mula sa sariling bulsa”.
Ang pangangailangan para sa mga caregivers ay tataas pa rin tulad ng pagdami sa bilang ng mga matatanda sa Italya. Ang mga over 65, sa pagitan ng 2001 at 2011 ay dumami mula sa 18.4% hanggang 20.3%, katumbas ng 1,800,000 na mga over 65, ‘”paliwanag pa ni Palaces.
Ito ay magdudulot sa higit na pangangailangan sa mga colf at care givers, na magbibigay hanapbuhay sa mga dayuhang mangagagawa: na may kabuuang bilang sa kasalukuyan ng halos 88.6 % kung saan ang 78.4% ay pawang mga kababaihan; 47.9 % ay nagmula sa Eastern Europe tulad ng 19.4 % mula Romania, 7.7 % mula Polland at 6.2 % mula Moldava.