in

Caregivers at babysitters ng condominium tulad ng mga caretaker

Sa ilalim ng bagong pambansang kontrata ng mga caretaker (o portiere) ng mga condominiums, ay magbibigay serbisyo din sila sa mga matatanda at mga bata ng parehong building unit. Piovesani (Cisl): “Isang magandang hakbang. Ito ay ginagawa na sa ibang bansa, kailangan din ito sa Italya”.

Roma – Dis 4, 2012 – Kadalasan ang mga caregivers o babysitters ay nagbibigay serbisyo sa mga magkakalapit bahay na mga pamilya.

Ang referral ang karaniwang paraan ng recruitment para sa ganitong uri ng trabaho at mabilis na kumakalat sa iba’t ibang floors ng condominium. Bukod dito, ang workers ay makakatipid ng panahon at salapi dahil hindi na kailangang mamasahe kundi ang sumakay lamang ng elevator.

Ito ay nanganaghulugan na ang mga caregivers at babysitters ng condominium, sa literal na ibig sabihin nito ay narito na. Sila ang mangangalaga sa mga matatanda at mga bata ng iisang condominium. Ang hiring ay tulad ng regular na kontrata ng condominium, na ang pasahod ay magmumula sa mga indibidwal na gagamit ng serbisyo. Tulad ng sitwasyon ng mga portiere.

Ito ay nasasaad sa "Contratto collettivo nazionale per dipendenti da proprietari di fabbricati", na sumailalim kamakailan sa mga pagbabago buhat sa Confedilizia, Cgil, Cisl e Uil para sa susunod na tatlong taon, kung saan napapaloob ang bagong kategorya na "Lavoratori addetti alla vigilanza o a mansioni assistenziali o a mansioni ausiliarie a quelle del portiere".

Sila ang mga "mag-aalaga, sa isang bahagi ng condominium kung pahihintulutan, o sa loob mismo ng mga tahanan na bahagi ng condominium, o sa isang bahagi na pag-aari ng condominium, ng mga bata o ng mga matatanda o ng mga serbisyong naaayon sa pamumuhay ng isang pamilya, para sa lahat o ng iilang owners”. “Ang mga tatanggap ng serbisyo ang maghahati-hati sa gastusin nito” paliwanag ng CCNL.  

"Ang ganitong bagong uri ng serbisyo ay umiiral na sa ibang bansa sa Europa at nakita rin ang pangangailangan sa Italya. Aming inisip ang mga bago at batang mag-asawa na nagta-trabaho at hindi alam kung saan iiwan ang mga anak o ang mga magulang na nangangailangan ng tulong”, ayon kay Mario Piovesan ng Fisascat Cisl sa Stranieriinitalia.it. Ayon sa pananaw ng leader ng labor union ay “isang magandang hakbang kumpara sa tipikal na kahulugan ng caretaker na binabantayan lamang ang sinumang papasok at lalabas ng condominium.

Sa mga susunod na buwan, isang committee na binubuo ng mga kinatawan ng Confedilizia at ng ibang labor union ay gagawin ang detalye ukol sa bagong uri ng serbisyo at maging ang uri ng kontrata (kahit occasional at hindi permanent) para sa mga bagong workers na maaaring mga imigrante rin.

Tulad ng ipinaliwanang ni Piovesan, “wala ito sa level ng domestic job, ngunit dumadami na rin ang mga caregivers na dayuhan, at maaaring halos isang taon lang sa Italya, sila ay kilala na at maaaring makuha ang tiwala ng buong condominium”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagyong Pablo, pinaghahandaan

Signal No. 3 pa rin sa Visayas