in

Carta acquisti para sa mahihirap, simula na ng aplikasyon para sa SIA

Buoni Spesa

Simula ng aplikasyon ng Sostegno per l’Inclusione attiva. Kabilang ang mga imigrante kung nagtataglay lamang ng carta di soggiorno. 

 

 

Roma, Septyembre 2, 2016 – Sinimulan na ang aplikasyon sa Sostegno per l’Inclusione attiva o SIA, ang bagong national measure against poverty, na nakalaan sa mga pamilya na nasa “maselang kundisyong pinansyal at panlipunan”. Ngunit, kung ang tinutukoy ay ang mga pamilya ng imigrante, minsan ay hindi sapat ang pagiging mahirap. 

Ang Sia ay nagbibigay ng isang electronic prepaid card, ang carta acquisti, na magpapahintulot sa mga may-ari nito na makapag-grocery, makabili ng mga gamot o magbayad ng mga domestic bills. Ang estado ay nakalaang mag-load nito, mula sa halagang 80 hanggang 400, kada buwan batay sa bilang ng miyembro ng pamilya. Ang mga beneficiaries, ay mangangakong lalahok sa mga personalized project (research, formation courses, pag-aaral at iba pa) na magpapahintulot na mapabuti ang kanilang kondisyon. Narito ang mga detalye. 

Simula ngayong araw, September 2, ay maaari ng magsumite ng mga aplikasyon sa mga Comune. Kailangan ang pagkakaroon ng isang menor de edad na anak o may kapansanan o nagdadalang tao; ISEE na hindi tataas sa 3000 euros, ang kawalan ng ari-arian at ng unemployment benefit na lalampas sa 600 euros. Ang mga magsusumite ng aplikasyon ay kailangang residente sa Italya ng hindi bababa sa dalawang taon. 

Bukod sa mga nabanggit, mahalaga ang citizenship ng mga aplikante. Ang mga Italians, European at kanilang mga pamilya ay maaaring magsumite ng aplikasyon ngunit ang mga non-EU nationals, tulad ng kinumpirma sa mga forms na inilathala ng Inps, ay kabilang lamang ang mga mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno, ang mga mayroong International protection o political asylum. 

Hindi kabilang ang mga mayroong isang normal na permit to stay na balido sa trabaho na hawak ng higit sa kalahati ng populasyon ng mga imigrante. Matatandaang batay sa european law, pagdating sa social welfare ay kailangang patas o pantay ang serbisyong matatanggap ng lahat tulad ng mga Italians, ngunit muli, ito ay isinantabi ng gobyerno at muling kinitiran ang kategorya ng mga beneficiaries. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

School year 2016-2017, narito kung paano mag-aplay ng buoni libri sa Roma

Sports festival ng JIL Italy, tagumpay sa Milan