Ang mga kumpanyang kasapi ay maaaring magsumite online ng komunikasyon ukol sa pagpasok sa Italya ng skilled worker. Narito ang Memorandum of Understanding at ang Circular.
Roma, Hunyo 23, 2016 – Ang blue card o carta blu ay isang partikular na permit to stay na nilikha upang mas mahikayat ang mga skilled foreign workers na mag-trabaho sa Europa, mula engineers hanggang agronomists, hanggang IT at mga professors.
Dalawang taon ng mayroon nito sa Italya, kasabay ang pagpapatupad sa proseso sa pagpasok ng mga foreign workers sa Italya, ng hindi hihintayin ang paglabas ng decreto flussi. Matapos mag-desisyon ang kumpanya na i-empleyo ang dayuhan, isang simpleng komunikasyon ang gagawin at ipadadala sa Sportello Unico per l’Immigrazione. At matatanggap na ng worker ang entry visa at pagdating sa Italya ay pipirmahan ang kontrata at matatanggap ang carta blu.
Hanggang dito ay ang nababanggit na teorya. Ngunit sa katotohanan ang proseso na pinagdaanan ng ilang dayuhan na umabot sa isang taon at kalahati ang makarating sa Italya at maka-pirma ng employment contract. Kung noong 2015, sa buong bansa, ang inisyu na carta blu ay umabot lamang sa higit 200, ito ay nangangahulugan na hindi epektibo ang sistema.
Ilang araw ang nakakalipas ay nagkaroon ng mga pagbabago, salamat sa isang Memoramdum of Understanding na pinirmahan ng sa Viminale ni head director para sa Immigration and Asylum ng Ministry of Interior, Rosetta Scotto Lavina at ng General director ng Confindustria Marcella Panucci.
Simula ngayon, ang mga kumpanya na kabilang sa Confindustria ay may direktang access sa computer system ng Sportello Unico per l’Immigrazione upang ipabatid ang hiring proposals ng worker at mapadali ang pagi-isyu sa entry visa. Ang mga kumpanya ang sisigurado na nagtataglay ng lahat ng mga requirements na hinihingi ng batas para sa carta blu na susuriing muli bago pirmahan ang residence contract o contratto di soggiorno.
“Ang kasunduan – paliwanag sa isang pahayag ng Ministry – ay bahagi ng mga layunin ng European Commission sa tema ng political migration. Sa katunayan, ang Commission ay iminungkahi kamakailan ang isang reporma ng directive sa Blue card upang ipatupad ang mas malinaw,higit na access at higit na competitive upang mapabuti ang mobility sa loob ng EU”.
Protocollo Interno-Confindustria Carta Blu Ue
La circolare applicativa del protocollo Carta Blu Ue