in

Carta Blu para sa mga highly qualified workers nasa Kamara

Mas madaling entry at mga permit to stay para sa mga managers, inhinyero, at maraming iba pang mga propesyonal, na mayroong kita o sahod na hindi bababa sa 25 thousand euros bawat taon. Teksto nasa Parliyamento.

altRoma – Abril 3, 2012 – Nasa Chamber of  Deputies, na maghahayag ng opinyon kasama ang Senado, ang teksto, pumasa noong nakaraang dalawang linggo sa Gobyerno upang mapadali ang entry at paninirahan sa Italya ng mga highly qualified workers.

Ang teksto, kahit naantala ay isang katulad na direktiba ng EU, na nagsasaad na ang mga mangagawang ito ay makakapasok ng bansang Italya na di nasasakop ng direct hire. Nangangahulugan na sila ay maaaring matanggap sa trabaho sa anumang panahon batay sa pangangailangan ng mga kumpanya (ng hindi kailangang hintayin ang paglabas ng direct hire). Ang balitang ito ay sumasaklaw rin maging sa mga workers na nasa Italya na ng regular at mga kwalipikado sa ilalim ng kautusan.

Sila ay itinuturing na “highly qualified workers” na naka-kumpleto ng kurso o sumailalim sa mga pagsasasnay sa sariling bansa, mayroong mataas na edukasyon na hindi bababa sa tatlong taon at mayroong kwalipikasyon bilang isang propesyonal na napapaloob sa antas 1 at 2 ng klasipikasyon ng mga propesyunal ng Istat. Sa unang antas ay kabilang ang mga senior executive, sa ikalawa naman ay ang mas malawak  na mga propesyonal, tulad ng computer engineer , mga doktor, agronomists at mga guro.

Upang makapasok sa Italya, gayunpaman, ay mahalaga rin na ang high qualifications ay nilalaman rin ng mga pay envelopes o busta paga. Ang mga kompanya sa pagkuha ng mga manggagawa, sa katunayan, ay magbibigay ng isang one year contract at gross salary na “hindi bababa ng tatlong beses sa kinakailangang minimum level para sa exemption sa health expenses”. Sa ngayon ito ay 24.789 (o 8.263 multiply by 3).

Ang mga application ay susuriin ng mga Sportello Unico per l’Immigrazione, na dapat tumugon sa loob ng 90 araw. Mas mabilis na pamamaraan ay ibibigay para sa mga kompanya na pumirma ng kasunduan sa Ministry of Interior.

Ang manggagawa ay magkakaroon ng isang espesyal na permi to stay na tatawaging “EU Blue Card”, may validity ng dalawang taon kung mayroong permanent contract o katulad ng validity ng kontrata kung ito ay provisory contract. Para sa unang dalawang taon sa Italya ay maaaring gawin lamang ang trabahong dahilan ng pagpunta sa Italya, ngunit maaaring kunin ang pamilya sa pamamagitan ng family reunification kahit ano pa man ang validity ng permit to stay.

Maaari ring magtrabaho sa Italya ng walang entry visa ang mga higly qualified workers na naninirahan sa ibang bansa ng EU at doon ay nakatanggap ng EU Blue Card. Maging ang mga nakatanggap ng EU blue card sa Italya ay maaari ring magtungo sa ibang EU countries ng mas mabilis matapos ang isang taon at kalahati sa kondisyong ipinatutupad sa bansang ito ang direktiba.

Ang Parliyamento ay maghahayag lamang ng opinyon. Ito ay hindi nakasalalay sa desisyon ng Parliyamento,ngunit maaaring magtulak sa Gobyerno upang gumawa ng mga pagbabago sa atas bago tuluyang aprubahan at ipatupad.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Disenteng trabaho para sa mga kasambahay o Kumbensyon Bilang 189 – Ano ito? (Unang bahagi)

Renewal ng mga driver’s license, tataas din!