Ang Urugwayano na si Omar ay kinasal kay Mario, isang Italyano sa bansang Espanya. Ayon sa hukuman ng Reggio Emilia ay may karapatan ang dalawa na magsama maging sa Italya.
Roma – Pebrero 16, 2012 – Ang sinumang ang may-asawang Italyano ay may karapatan na manirahan sa Italya kahit na ito ay isang kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong kasarian.
Ito ay ang desisyon ng Tar ng Reggio Emilia, sa pagtanggap ng apila ng isang mamamayang Urugwayano laban sa Questura na ayaw ipagkaloob dito ang kilalang carta di soggiorno. Isang dokumento na maaaring hilingin, ayon sa batas ng malayang paglalakbay ng mga mamamayan ng Europa, maging ng kanilang mga pamilya(d.lgs. 30/2007), tulad ng kabiyak ng isang mamamayang Italyano.
Omar at Mario (hindi tunay na pangalan) ay kinasal dalawang taon na ang nakakaraan sa Palma de Mallorca. Sa Espanya, ang kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong kasarian ay pinapayagan ilang taon na, ngunit hindi pa sa Italya at samakatwid ang Questura (pulis) ay naghayag na hindi pa maaaring ipagkaloob ang carta di soggiorno kay Omar, dahil hindi pa rin maaaring kilalanin ng batas ang ganitong uri ng kasarian.
Ngunti iba ang naging konklusyon ng hukom, kung saan nasasaad na ang awtonomiya ng mga bansa sa konsepto ng kasal bilang karapatan sa loob ng bansa ay hindi taliwas upang proteksyonan ang malayang paglalakbay ng mga kapamilya ng mga mamamayang Europeo. Ang Italya, sa madaling salita, ay hindi maaaring legal na kilalanin ang kasal ng Omar at Mario, ngunit hindi maaaring pigilan ang mga ito sa pamumuhay ng magkasama.