Upang magkaroon ng permesso di soggiorno CE per lungo soggiornanti, kailangang makapasa sa italian language test. Ang mga pagbabago ay malalaman sa Disyembre.
Roma – Hindi na sapat ang limang taon na residensya o karampatang sweldo. Sa buwan ng Disyembre, ang sinumang nagnanais magkaroon ng permesso di soggiorno Ce per soggiornanti di lungo periodo (ex-carta di soggiorno) ay kailangang makapasa sa italian language test.
Ito ay atas na nahayag sa batas ng kasiguruhan (Security Law) na ipinatupad noong nakaraang summer at ang Ministry of Interior at Edukasyon lamang ang nagbigay ng desisyon kung paano isasagawa ang pagsusulit na naging isang decree na inilathala sa Official Gazzette noong ika-11 ng Hunyo. Nakatakdang ipatupad ang nasabing atas sa darating na buwan ng Disyembre. Kaya’t ang sinumang nagnanais na magkaroon ng carta di soggiorno at may nakahandang dokumentasyon at nais iwasan ang nasabing “exam”, mag-aplay na sa lalong madaling panahon.
Ang pagsusulit ay isasagawa sa Prefettura, sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Ang test ay gagamitan ng computer o kaya naman ay written exam. Upang makapasa sa nasabing pagsusulit, kailangang makakuha ng 80 points out of 100.
Ang hindi makakapasa sa test ay maaaring mag-try uli at ito’y maaaring maging mas madali sa oras na mapatunayan na siya’y may kaalaman sa wikang italyano na nasa “level A2” (Pansinin ang artikulo sa katabi nito). Ito ay european standard na nagpapakita ng kakayahang magsalita ng italyano, hindi ito magiging mahirap para sa mga dayuhan na naninirahan ng limang taon sa bansa.
Hindi lahat ay kailangang dumaan sa pagsusulit. Hindi kasali ang: mga anak na 14 years old; may malubhang problema sa pag-aaral ng lenguwahe, dahil sa edad; handicap o may kapansanan ayon sa patunay ng isang medical certificate; may sertipikasyon na nakapag-aral ng wikang italyano na level A2; nag-aral sa Italya ay may intermediate school o high school diploma o kaya’y kumukuha ng kurso sa unibersidad, doctorate o nagma-master, mga managers, propesor sa unibersidad, translator o interpreter at correspondent journalist ng mga payahagang pandayuhan na pumasok sa Italya sa pamamagitang ng “fuori quota”.
Ano ang kahulugan ng Level A2
Upang magkaroon ng carta di soggiorno kailangang may kaalaman sa wikang italyano “levello A2”. Ito ay batay sa pamantayan ng pagsusuri na ipaprubahan ng European Union:
Pakikinig. Ako ay may kakaayahang malaman ang mga ekspresyon at mga salita na karaniwang ginagamit (mga impormasyon tungkol sa aking sarili, sa aking pamilya, sa mga bilihin, sa kapaligiran at sa trabaho). Aking nauunawaan ang mga mensahe at maiigsing babala, simple at malinaw.
Pagbasa. May kakayahan akong bumasa ng maiigsi at simpleng teksto, kumalap ng mga impormasyon at kilalanin ang mga materials na ginagamit sa araw-araw tulad ng mga advertisement, programa, menù at oras. Naiintidihan ko ang simple at maigsing liham.
Pag-uusap. May kakayahan akong makipag-usap at harapin ang mga karaniwan at simpleng gawain sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng impormasyon tungkol sa payak na paksa. Ako ay may kakayahang sumali sa maiigsing talakayan kahit kung minsa’y hindi ko kayang makipag-usap ng tuloy-tuloy.
Pagsasalita. May kakayahan akong gumamit ng series of expression at phrases na naglalarawan ng mga simpleng salita tungkol sa aking pamilya at ibang tao, kondisyon ng buhay, educational background at tungkol sa aking trabaho.
Pagsusulat. May kakayahan akong magsulat ng mga simpleng notes at maiigsing mensahe kung kinakailangan. Nakakasulat ako ng sarili kong liham tulad ng pasasalamat sa iba.