in

Carta di soggiorno na pinawalang-bisa sa nawalan ng trabaho, nasa Parliyamento na

PD deputy Marilena Fabbri kay Interior Minister Alfano sa isang interrogation: “Kawalan ng katarungang tahimik na nararanasan ng mga imigrante, lalo na’t papalapit na ang reporma ng citizenship para sa mga anak ng mga imigrante”.

 

Roma, Nobyembre 12, 2015 – Ilang Questura na ang nagpawalang-bisa ng EC long term residence permit o kilalang carta di soggiorno sa mga dayuhang manggagawa na nawalan ng trabaho?

Ito ay nangyari sa Milan bago mag-summer, nang ipagtibay ng isang hukom ang pagiging labag sa Batas ng Imigrasyon at sa mga patakaran ng EU countries. Ito ay nangyari rin sa ibang lugar, tulad ng Bologna. At ilang dayuhan ang nakakaalam na matapos ang maraming taon ng paninirahan sa Italya at pagkakaroon ng carta di soggiorno, na ngayon ay biktima ng krisis at nanganganib na mawalan ng karapatang manatili ng regular sa bansa.

Ang problema ay ang hindi pagbibigay pansin ng Ministry of Interior sa mga naging pasya ng hukom o kung binigyan man ng pansin, ay hindi nagbigay ng direktiba sa mga Questura. At sa ngayon, ang sinumang nawalan ng trabaho at hindi kayang patunayan ang pagkakaroon ng isang regular employment contract at kontribusyon sa Inps, ay dapat umasang sa paga-update ng carta di soggiorno ay matagpuan ang “tamang” Questura.

Sa wakas, ang kaso ay nasa Parliyamento na, salamat sa isang interrogation noong nakaraang linggo na isinulong ni PD deputy Marilena Fabbri. Ang deputy at parehong rapporteur na nakatanggap ng unang aprubasyon sa reporma ng citizenship para sa mga anak ng mga imigrante.

Sa interrogation, ay ipinaalala ni Fabbri ang naging desisyon ng TAR Lombardy: ang status ng long term residents ay permanente at maaaring pawalang-bisa lamang kung ang dayuhan ay naging isang panganib sa kaayusan ng publiko at seguridad ng bansa at hindi sa kawalan ng sahod o kita.

Hindi makatwiran, samakatwid, na suriin palagi ang mga requirements na kinakailangan sa first issuance ng nabanggit na dokumento. “Ang pagsusuri ay kailangang gawin lamang sa mga datos na kailangang i-update upang ang carta di soggiorno ay maging balido rin bilang dokumento o ID, tulad ng posibleng pagbabago ng tirahan“, bigay-diin ni Fabbri sa Stranieriinitalia.it. “Ang muling hingin ang sahod o kita bilang requirement ay isang pang-aabuso”.

Maituturing na higit ang problema sa nalalapit na reporma sa batas ng citizenship. Ang teksto na inaprubahan sa House ay nagsasaad na magiging italyano ang mga batang ipinanganak sa Italya kung isa sa mga magulang nito ay mayroong carta di soggiorno. “Hindi natin matatanggap – paalala ng PD deputy – na bago matanggap ang napakahalagang karapatang ito ay sisimulan naman ng mga Questura ang diskresyon na maaaring maging sanhi ng diskriminasyon”.

Sa interrogation ay tinanong kay Alfano kung ilang aplikasyon ng carta di soggiorno ang isinumite sa huling tatlong taon at ano ang nangyari sa mga ito: matapos ilang taon nabigyan ng tugon? Ilang carta di soggiorno ang na-isyu? Ilan rin ang tinanggihan at dahil sa anong dahilan? Mga datos na dapat hiwahiwalay bawat Questura, upang maunawaan kung talagang sa bawat tanggapan ay iba-iba ang panuntunan.

Ang mga kasagutan ay magpapahintulot na maunawaan kung gaano na kalalà ang kawalan ng katarungang tahimik na nararanasan ng mga imigrante. Ang tanging pag-asa ay ang karagdagang kilos ni Alfano sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga Questure na igalang at ipatupad ang lahat ng batas.

 

EP/PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dayuhang pumirma ng Integration Agreement, higit sa 200,000

VIP dance group lumahok sa 33rd Milano Int’l FICTS fest 2015