in

Carta di soggiorno para sa mga miyembro ng pamilya ng mga EU citizens, electronic na din

Ang iniisyu hanggang sa kasalukuyan na papel na carta di soggiorno para sa mga miyembro ng pamilya ng mga EU citizens na naninirahan sa Italya ay mapapalitan na ng electronic carta di soggiorno. Ito ay bilang pagsunod ng Italya sa bagong regulasyon sa security ng EU sa mga ID at mga permit to stay (EU Regulations2019/1157). 

Ang electronic carta di soggiorno ay maaaring i-aplay at i-renew sa pamamagitan ng pagsusumite ng aplikasyon direkta sa Questura o gamit ang kit postale sa mga awtorisadong post office. Patuloy itong tatawaging Carta di Soggiorno na balido ng limang taon o Carta di soggiorno permanente. 

Ang halaga ng bagong electronic carta di soggiorno ay € 30,46 para sa paggawa ng nasabing dokumento at € 16,00 para sa marca da bollo. Bukod dito ay may karagdagang € 30,00 para sa Raccomandata o registered mail kung ito ay gagawin sa pamamagitan ng post office. 

Ang bagong elektronikong dokumento ay magsisimula sa Roma at Salerno sa July 13. Samantala, sa August 2 naman ay gagawin na rin ito sa lahat ng Questura sa bansa, kung saan isusumite ang mga aplikasyon. Tandaan na patuloy na magre-release ang mga Questure ng papel na carta di soggiorno hanggang July 31 na mananatiling balido hanggang sa expiration date nito na hindi lalampas ng August 3, 2023

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

kit-postale-ako-ay-pilipino

Nasa renewal ang permesso di soggiorno? Narito ang mga karapatan ng dayuhan

bagong uri ng coronavirus Ako Ay Pilipino

Narito ang 5 kinatatakutang Covid variants