Ang mga papael na carta di soggiorno na iniisyu sa mga non-EU family members ng mga European citizens ay mananatili na lamang balido hanggang August 3, 2023. Ito ay nangangahulugan na ang mga owner ng nabanggit na uri ng dokumento ay dapat itong i-update.
Nasasaad sa bagong EU regulation 2019/1157 ng European Parliament at European Council ng June 20, 2019, ang pagbibigay ng electronic residence permit sa mga miyebro ng pamilya ng mga EU citizens na may karapatan sa Free Circulation sa mga Member States. Ito ay upang magbigyan ng higit na seguridad ang mga identity card at mga residence permit ng mga Europeans.
Batay sa bagong security regulations na itinalaga ng European Union n. 2019/1157, ang mga residence permit ng mga non-Europeans na miyembro ng pamilya EU citizens, batay sa Batas 30 ng 2007, ay dapat na electronic at samakatuwid ay dapat magkaroon ng bagong format.
Sa dokumento ay makikitang nakasulat ang “Familiare UE art. 10 DIR 2004/38/CE” para sa mga carta di soggiorno ng 5 taon, at nakasulat naman ang “Familiare UE art. 20 DIR 2004/38/CE” para sa mga carta di soggiorno permanente.
Paano gagawin ang aggiornamento ng Carta di soggiorno per familiari di cittadini UE
Maaaring mag-request ng e-card sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- pagkuha ng appointment sa Questura;
- pagkuha ng appointment sa Prenotafacile platform;
- pagsusumite ng aplikasyon gamit ang postal kit;
- pagpapadala ng pec sa Questura upang humingi ng appointment;
Tandaan na ang proseso ng aplikasyon ay nagbabago sa bawat lungsod.
Ang halaga ng paga-update ng Carta di soggiorno per familiari di cittadini UE
- €16,00 para sa marca da bollo;
- €30,46 halaga ng electronic card;
- €30,00 halaga ng pagpapadala ng kit.