in

Carta di soggiorno pinawawalang-bisa dahil walang trabaho, di aprubado sa Hukom

 

"Ang indefinite permit to stay o ‘carta di soggiorno indeterminato’ ay maaari lamang pawalang-bisa sa sinumang mapanganib at ang kakulangan o kawalan ng sahod ay hindi sanhi ng pagpapawalang-bisa dito”.
 

 

 


Roma – Hulyo 7, 2015 – Ang mga dayuhan ay nagsumikap sa trabaho ng matagal na panahon upang ma-renew ang permit to stay. Hanggang sa magkaroon ng tinatawag na EC long term residence permit o carta di soggiorno, ito ay ang indefinite document na hinahangad ng maraming imigrante.

Ngunit, dahil sa krisis sa ekonomiya, sa kasamaang palad ay nawalan ng trabaho at ang Questura ay pinawalang-bisa ang kanilang carta di soggiorno. Ito umano ay dahil sa kawalan ng regular na kontrata sa trabaho at sila ay hindi maituturing na “mabuting tao” na karapat-dapat manatili sa Italya. Na tila hinangad ng  mga manggagawa ang mawalan ng trabaho o ang mag-trabaho ng ‘nero’ o hinid regular.

Ito ay nangyari sa Milan kung saan ang mga banyagang mamamayan ay humiling ng duplicate o ng update (o aggiornamento) ng carta di soggiorno. Ang Questura ay hininging ipakitang muli ang required salary na nasasaad sa unang releasing at sa kawalan ng regular na trabaho, kontribusyon at iba pa ay tila isang parusa ang hagupit sa panahon ng krisis.

Sa ngayon, ang hihinto sa tila parusang ito ay ang isang batas, na binigyang halaga ng Regional Administrative Court ng Lombardy region kamakailan. Binigyang katwiran ng hukom ang Srilankan, na matapos magtrabaho sa mahabang panahon bilang ‘care taker’ at hindi makahanap ng panibagong trabaho ay pinawalang bisa ng Questura ang kanyang carta di soggiorno dahil walang regular na sahod.

Ang naging aksyong ito ng Questura ay labag sa batas ayon sa hukom. Parehong ang European norms (Art. 8 ng Directive 2003/109 / EC) at ang Immigration Act, na transposed (art. 9 ng Pambatasan atas. N. 286/98), ay nagsasaad sa katunayan, na ang “status ng long term residency ay permanente” at maaari lamang pawalang-bisa kung “ang dayuhan ay mapanganib sa public order at sa seguridad ng bansa”, at hindi sa kawalan ng regular na sahod.
 
Ang Sri Lankan ay maaaring magsaya dahil mababawi ang  ‘carta di soggiorno’ na kanyang natanggap noong 2005. Ito ay posible ring makamit ng mga tinanggalan ng nabanggit na dokumento. Masaya rin maging ang Anolf, na naghabla at humihingi ng isang pagkilos buhat sa european commission at ginabayan ang imigrante sa paghahabla sa TAR kasama si Atty, Silvia Balestro.

"Naging malupit ang hagupit ng krisis, lalong higit sa mga sektor kung saan nagta-trabaho ang mga mangagawang dayuhan. Ang tanggalin ang kanilang carta di soggiorno dahil sila ay nawalan ng trabaho ay nangangahulugan ng hakbang paatras sa proseso ng integrasyon, dahil sa isang pangyayaring hindi nila kasalanan. Paano iisiping ang sinumang walang regular na trabaho ay piniling magtrabaho ng hinid regular at hindi magbayad ng buwis?” Ayon kay Maurizio Bove, presidente ng Anolf Milano at ang responsable ng Immigration department ng Cisl.

Ang pangyayari sa Questura di Milano, ayon sa unyonista, ay lalong pinalalala ang relasyon sa pagitan ng trabaho at permit to stay na nasasaad sa batas, at ang higitan ang nasasaad sa batas na may labis na discretaion at nagtatanggal sa halaga ng integrasyon ng sinumang matagal ng naninirahan sa Italya. Bukod pa rito, isang katulad na sitwasyon ang tinanggihan ng Questura, na nitong huli ay sinimulang suriin ng mas mabuti ang bawat sitwasyon.
 
"Sa ngayon, inaasahan namin ang tamang pagpapatupad sa batas sa Milan at sa buong bansang Italya. Ang mahalaga ay malinaw na ang nawalan ng trabaho ay hindi maaaring mawalan ng carta di soggiorno”, pagtatapos pa ni Bove. At kung ang Minister of Interior, ay lilinawin ang konseptong ito sa lahat ng mga Questure, ay isang malaking hakbang.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Trieste: € 550 kada buwan, kabilang ang mga imigrante

Walang permit to stay, ano ang mangyayari sa pagbibigay ng maling pangalan sa pulisya?