Isang Mexican ang maaaring manirahan ng regular sa Italya kasama ang kanyang asawang ng parehong kasarian na taga Treviso sa pamamagitan ng d. lgsl. 30/2007. Mula sa Certi Diritti, isang gabay para sa releasing ng carta di soggiorno.
Roma, Nob 6, 2012 – Nagiging isang mahirap na proseso ang pagkakaroon ng carta di soggiorno ng mga imigrante na nakapangasawa ng mga Italian sa pamamagitan ng gay marriage sa labas ng bansa.
Matapos ang Reggio Emilia, Milan, Rimini at Rome, ang huling kaso ay naitala sa Treviso, matatag na lungsod ng mga katoliko at ng mga leghista. Dito, ilang araw na ang nakakalipas ang Questura ay nag-isyu ng dokumento sa isang 40 anyos na Mexican na napangasawa ilang buwan lamang ang nakakalipas ng isang taga-Veneto sa Mexico.
Kahit sa pagkakataong ito, ang carta di soggiorno ay dahil sa batas bilang 30/2007, ukol sa pananatili sa Italya ng mga EU nationals at ng mga miyembro ng kanilang pamilya. Kinikilalang pamilya ng Italyano, ang Mexican na nakatanggap ng karapatang manatili ng regular sa Treviso kasama ang kanyang asawang Italyano.
Ang pangyayari ay buhat sa Certo Diritti association, na hinawakan ang ilang pilot cases sa bansang Italya na ngayon ay naglathala ng isang maigsing gabay kung saan ipinapaliwanag ang pamamaraan upang matanggap ang “Carta di soggiorno per famigliari dei cittadini europei” ng mga hindi Italians, sa pag-iisang dibdib ng same sex o ng sinumang sumailalim sa civil marraige sa labas ng bansang Italya.
“Ang aming layunin – paliwanag ni Yuri Guaiana, ang leader ng asosasyon – ay ang ipakita ang mga positibong resulta, salamat sa Affermazione Civile 2.0 na pag-aari ng lahat ng mga asosayon na humaharap sa mga karapatan at suliranin ng mga couples na dumadaan sa sitwasyong tulad ng aming hinahawakan. Matibay na ang mga procedures at samakatwid ay maaaring makilala ang standand modes at kami ay maligaya na ipaalam ito sa lahat”.