Pinawawalang-bisa ang carta di soggiorno dahil sa kawalan ng sahod sa kabila ng hatol ng TAR ng Milan. Isang Circular ay kinakailangan na maglilinaw sa mga Questure ukol sa interpretasyon at pagpapatupad nito.
Roma, Pebrero 25, 2016 – Maaari bang tanggalin ang carta di soggiorno sa sinumang wala ng kita dahil nawalan ng trabaho? Hindi, ayon sa batas at mga hukom. “Nangyari lamang ito sa Milan at hindi na ngayon”, ayon sa Ministry of Interior.
Kung ito ang tunay na nagaganap, ay isang magandang balita para sa libu-libong mga imigrante. Mga biktima ng krisis sa ekonomiya na hindi na nanganganib pa na mawalan, bukod sa sahod at trabaho, ng carta di soggiorno – isang tila tagumpay na nakukuha matapos ang pagkakaroon ng normal na permit to stay ng limang taong, ang maipasa ang italian language test at ang pagbabayad ng isang buwis na nagkakahalaga ng 200 euros.
Ang carta di soggiorno ay isang uri ng dokumento na ‘indefinite’ o walang expiration ngunit kailangang i-update tuwing ika-limang taon: pictures, fingerprint at mga datos. Sa proseso ng update o aggiornamento, sa Milan ay nagsisimula ang tila isang ‘patibong’: hinihingan ng Questura ang aplikante ng aggiornamento ng kinakailangang sahod o kita na katulad sa first issuance ng dokumento at kung hindi ito maipapakita ay babawiin o pawawalang-bisa ang dokumento.
Noong nakaraang Hulyo ang TAR sa Milan, matapos tanggapin ang inihaing reklamo ng isang imigrante (Sri Lankan) at ng Anolf Csil, ay sinabing hindi ito maaaring gawin. Kahit ang batas ng Europa at ang Batas sa Imigrasyon sa Italya, paliwanag ng hukom, ay sinasabing ang carta di soggiorno ay pinawawalang-bisa lamang kung ang dayuhan ay ‘isang peligro sa seguridad ng bansa at hindi dahil sa kawalan ng kita o sahod”.
Ngunit bago pa man lumabas ang hatol, ang Anolf Cisl ay itinaas ang reklamo sa Brussels at hiningi ang opinyon ng European Commission. Noong Enero 27, ang DG Migration and Home Affairs ay sumagot at ipinaliwanag na ang kaso ay sarado na. “Ayon sa awtoridad ng Italya – ayon kay Laura Corrado – ito ay tumutukoy lamang sa iilang kaso sa Milan at nasolusyunan na sa pamamagitan ng desisyon ng Tar ng Milan”.
Sinigurado ito sa European Commission ng Ministry of Interior at partikular ang Head office of Immigration at ng frontier police.
Sa isang komunikasyon noong Nobyembre 20, 2015, ay sumulat si prefect Giovanni Pinto at sinabing “maximum consideration sa hatol na nabanggit at ang Questura di Milano ay kumilos sa pagpapakalat sa naging hatol”.
Sa katunayan noong July 29, 2015 ang police headquarters o Questura sa Milan ay nagpadala ng isang circular sa lahat ng mga istasyon ng pulisya sa lalawigan kung saan ipinaliwanag na hindi pwedeng pawalang-bisa ang carta di soggiorno. Sa ibang bahagi ng Italya, ay hindi nakarating ang nasabing komunikasyon.
Tunay ba na hindi ito problema sa ibang lalawigan? Ngunit sa Stranieriinitalia.it, ang pagpapawalang-bisa ay nangyari din sa Roma, ang Coordinamento Migranti sa Emili Romagna ay sinabing kahit ang Questura di Modena ay nagpapawalang-bisa rin ng mga carta di soggiorno sa sinumang walang sahod ay ilang beses na nagwelga upang tutulan ito.
Gayunpaman, kinumpirma ni Maurizio Bove, ang presidente ng Anolf Cisl Milano sa Stranieriinitalia.it na mayroong mga report sa kanilang tanggapan na ito ay nagaganap na rin sa ibang bahagi ng Italya.
“Isa sa malaking problema sa pamahalaan ng imigrasyon sa Italya – ayon kay Bove – ay ang interpretasyon at pagpapatupad ng batas. Ang katotohanan ay hindi maaaring pawalang-bisa ang carta di soggiorno dahil sa kawalan ng kita at sa puntong ito kahit ang Ministry of Interior ay walang tutol dito. Sa puntong ito ay mahalaga ang isang circular na maglilinaw sa lahat ng Questura para sa ikabubuti ng lahat”.
Samantala, iniakyat din ang kaso sa Parlyamento. Upang malinawan ang naging pag-uugali ng mga Questura ni PD deputy Marilena Fabbri na humingi ng isang pagdinig sa Minsitry of Interior. Lumipas na ang apat na buwan ngunit wala pa ring tugon buhat kay Angelino Alfano.