Lumabas na mula sa labindalawang lungsod ang mga huling bilang na kinalkula lamang kamakailan. Nananatiling nawawala ang 700,000 mga imigrante.
Roma – Hunyo 20, 2012 – Ang pag-update ng bilang ng Census ay nagbigay ng karagdagang isang daang libong imigrante sa Italya.
Halos katapusan ng Abril ng ilathala ng National Institute of Statistics ang mga unang resulta ng mga sinagutang questionnaires sa buong bansa at ipinaliwanag na sa 12 lungsod ay isang pagtatantya lamang ang ginawa. Sa katunayan ang Cagliari, Florence, Livorno, Messina, Milan, Naples, Perugia, Prato, Ravenna, Rome, Salerno at Turin ay hindi pa nakakatapos ng pagbibilang at dahil dito isang istimasyon lamang ang ginawa base sa mga unang questionnaires na binilang.
Sa ganitong paraan, gayunpaman, lalo na sa lungsod ng Milan, Rome at Naples ang bilang ng mga imigrante ay malamang na na- underestimate. “Ang mga lungsod na ito ay nagpatulong sa mga cultural mediators at mga asosasyon upang makolekta ang mga questionnaires mula sa mga imigrante na huli ng nabigyan at huli na ring nabilang”, tulad ng naging paliwanag sa Stranieriinitalai.it ni Giuseppe Sindoni, ang responsable ng Census.
Isang pagtatantya ang nakumpirma ngayon, buhat sa mga bagong datas ng mga nahuling lungsod. “Sa mga lungsod na nabanggit- paliwanag sa isang pahayag ng Istat- ang bilang ng mga dayuhang resdiente sa nakaraan, mula 535,032 sa 630,899: isang pagtaas ng 95,867 mga katao kumpara sa inilathala noong Abril 27, 2012. Sa pagbabagong ito, ang pansamantalang resulta ng census ng mga dayuhan ay tumaas sa 3,865,385 residente. “
Ang updates ay pinababa, ngunit patuloy na hindi nagpapahiwatig ng misteryo ng pagkawala ng mga imigrante. Noong Enero 1, 2012 ay 4.570.317 dayuhan ang naitalanang residente ngunit ang census ay bumilang ng mas mababa ng 700,000.
Sila ba ay lumisan ng Italya? Sila ba ay nananatiling nandito, ngunit bilang mga undocumented? Marahil isang bahagi, ngunit ang mga eksperto ay naniniwala na maraming mga imigrante ay hindi tumugon sa ginawang survey, dahil sa ilang mga dahilan: hindi pagtitiwala, kakulangan ng impormasyon, unwillingness na iulat ang provisory shelters o address kung saan sila ay maaaring masundan kung sakaling isang araw ay mawalan ng permit to stay…
Samantala, ang ilang mga munisipyo ay naglunsad ng apila sa mga nawawala upang magpakita at sa lahat ay tutungo at kakatok sa kanilang pinto ang mga awtoridad. Ang sinumang hindi matatagpuan matapos ang karagdagang paghahanap na ito ay tsaka pa lamang maaaring makansela bilang residente, bilang pagbibigay katwiran sa ginawang paglalarawan ng ginawang survey.