Walang self-certification para sa mga pamamaraang itinalaga ng Batas sa Imigrasyon (TU) maging sa mga patakaran ng pagpapatupad ng mga ito. Ito ang clarification buhat sa Interior Ministry.
Roma – Pebrero 21, 2012 – Ang Self-certification ay para sa lahat, ngunit hindi para sa mga imigrante. O, mas malinaw, hindi para sa mga pamamaraang itinalaga ng Batas ng Imigrasyon (TU), tulad ng mga application ng family reunification o renewal ng mga permit to stay.
Maraming mga dayuhan ang nag-iisip na tuluyang magpapaalam na sa mga pahirap ng public offices nang ipahayag na magmula Enero 1 ay ipatutupad ang mga bagong alituntunin sa administrative documentation. Nasasaad dito, na ang mga publikong tanggapan ay hindi na magri-release ng mga sertipiko na maaaring hilingin o gamitin sa ibang public offices, dahil ang mga impormasyon na nilalaman ng mga ito ay nakatala na sa Public Administration. Ito ay nagbibigay bisa sa tinatawag na self-certification.
Ang mga patakaran, gayunpaman, tulad ng pagbibigay-diin ilang linggo na ang nakaraan sa pamamagitan ng isang Circular buhat sa Ministri ng Interior, ay nagbago lamang ng ilang mga hakbang ukol sa administrative documentation, at ang Artikulo 3 ay hindi nabago. Ito ay nagsasaad na “ang mga non-EU nationals na legal na naninirahan sa Italya, ay maaaring gamitin ang affidavits […] maliban sa mga espesyal na probisyon na nakapaloob sa mga batas at regulasyon na pinamamahalaan ng batas sa imigrasyon at ang katayuan ng mga dayuhan.”
Ang direttore centrale dell’immigrazione e delle frontiere ng Ministry of Interior Rodolfo Ronconi ay samakatuwid nilinaw na, hanggang ang batas ay hindi nababago, para sa administratibong pamamaraan na pinangangalagaan ng Interior Ministry “ay dapat palaging gagamitin ang mga certifications na niri-release ng public administration kung ang paghingi ay hindi tatanggalin mula sa nilalaman ng Batas sa Imigrasyon (TU), o sa pagpapatupad ng mga regulasyon. “
Ito ay nangangahulugan na kailangan pa rin ang mga certificates ng pending criminal cases at police record/clearance na kailangan sa mga carta di soggiorno, tulad din ng housing certificates (idoneità alloggiativa) para sa family reunification. Ayon pa rin sa parehong pamantayan, ang mga walang trabaho na humihiling ng permit to stay para sa paghihintay ng bagong trabaho ay dapat pa ring iprisinta ang sertipiko ng pagkakatala sa employment agency (collocamento) at sa mga mag-aaral na kinakailangan para sa University para ma-renew ang permit to stay.
Hindi pa rin nabanggit, gayunpaman, na ang pagtatanggal ng mga sertipiko ay tunay na magpapaginhawa sa mga dayuhan. Bago ang mga paglilinaw ng Ministri ng Interior, ang UIL ay naglunsad ng isang alarma dahil ang mga Questura o pulis ay hindi naka-link sa anumang public data base , upang suriin ang anumang self-certification at dapat makipag-ugnay sa mga munisipyo, unibersidad at korte at ito ay naging daan lamang sa karagdagang panahon ng dokumentasyon.
Ngayon ang mahalagang ay ang makarating sa lahat ng mga public offices ang paglilinaw na ito. May mga panganib (at tila kumpirmado ang ilang mga ulat na dumating sa aming tanggapan) na tulad ng aplikante para sa isang sertipiko ng tirahan ay sinagot na “hindi na ito maaaring i-release, self-certificate na ang kailangan ngayon”.