"Shelter Implementation plan of Europe, humanitarian intervention, reporma ng mga batas sa imigrasyon at asylum, kolaborasyon sa mga bansang pinagmulan at transit countries. "Sa Oktubre 11, ang national mobilization day”
Rome – Oktubre 7, 2013 – National Mobilization day at ilang serye ng mga panukala para sa isang “panibagong politika sa imigrasyon at asylum”. Cgil, Cil at Uil sa mga naging resulta sa Lampedusa, kung saan kasalukuyang 194 buhay ang naging kapalit, ay kumikilos upang mahinto ang trahedya sa Mediteraneo, na kasalukuyang nagiging isang pagkilos ng galit.
“Ang trahedya sa Lampedusa – ayon sa magkasanib na pahayag ng mga unyon – bukod pa sa di na mabilang na mga pahayag sa nagdaang mga taon, na pinagbuwisan ng buhay ng higit sa 20,000 katao: ang pagiging makatao sa mga tumakas sa sariling bansa dahil sa digmaan, pag-uusig o sa paghahanap ng mas mahusay na buhay. Upang mahinto ang naka-pangingilabot na pagtawid sa karagatan at upang matiyak na ang magagandang salita ukol sa pagbabago ay hindi mawalan ng kabuluhan, ang Cgil, Cisl at Uil bilang tanda ng pagluluksa at pakikiisa ay nagtakda ng isang araw ng kilos-aksyon sa Oktubre 11, Biyernes, para sa isang pagbabago ng batas sa imigrasyon at asylum.”
Ito ang mga panukala ng tatlong unyon ng mga manggagawa :
1 . ipatupad ang isang aksyon para sa pagbuo ng isang mabisang sistema ng pagtanggap, kahit sa pamamagitan ng tulong ng European Union, na hindi maaaring tumakas sa mga responsibilidad ng pagsuporta sa isa sa mga pinakamahalagang hangganan ng Europa sa Mediteraneo ;
2 . maglunsad ng humanitarian intervention para sa mga refugees mula sa digmaan, at gawing higit na ligtas ang kundisyon ng pag-access sa asylum at international protection status;
3 . baguhin ang batas sa imigrasyon at magkaroon ang Italya ng isang organic law sa asylum;
4 . labanan ang human trafficking, maging sa pamamagitan ng mga epektibong paraan ng pakikipagtulungan sa mga country of origin at transit ng mga migrante at refugees at tahasang parusahan ang mga traffickers.
Ang CGIL , CISL at UIL , sa pagtatapos ay idinagdag na, “hindi kami mananatiling tahimik sa harap ng paulit-ulit na mga trahedya tulad nito. Kami ay kikilos hanggang sa ang galit at sakit ay magbunga ng kongkreto solusyon at magkamit ng katarungan.”