Piero Soldini (CGIL): “Isa-ayos ang mga remittances. Dapat itong harapin sa isang konteksto ng internasyonal na kooperasyon ”
Rome – Patuloy ang mainit na usapin ukol sa panukala sa buwis ng remittances ng mga migrante. Sa pagkakataong ito ay ang CGIL ang gumawa ng isang ‘estimation’ ng laki ng pera na ipinadadala sa ibang bansa ng mga dayuhan.
Ayon sa estima ng CGIL, ang kabuuang halaga ng remittances na lumalabas sa Italya ay tinatayang umaabot sa 10-12 bilyon bawat taon, halagang ipinapadala ng mga migrante mula sa Italya sa kanilang mga mahal sa buhay sa sariling bansa. Ngunit ang halagang ito ay hindi palaging lumalabas ng bansa sa pamamagitan ng mga money transfer na mayroong 34,000 na ahensya sa buong Italya.
Tanging isang maliit na bahagi ng remittances ay ipinapadala sa pamamagitan ng sistema ng bangko, habang ang malaking bilang naman nito ay ipinapadala sa isang di-regular na paraan. Kamakailan lamang, ang halagang ito ay nakapukaw sa paningin ng Lega Nord na hinihingi ang “pagsasailalim sa buwis ng bawat padala sa pamamagitan ng pag-kakaltas mula sa mga bangko o mga money transfer upang lapatan ng sapat na buwis ang mga remittances ng mga dayuhang umiiwas sa buwis”.
Ayon sa CGIL ang mungkahing ito “ay hindi nararapat” dahil, sa para sa kanila, ang unang mga biktima ng isang “sistema ng pagpapadala ng mga remittances sa sariling bansa ay mga migrante mismo”.
Ayon kay Piero Soldini, pinuno ng Immigration Department ng CGIL, “Ang usapin ng remittances ng mga migrante ay isang napaka-halagang isyu at ito ay isang malawak na usapin sa maraming malalaking mga bansa, na kadalasan ay isa sa mga pangunahing pinaglalaanan sa lahat ng uri ng mga gastusin, tulad ng mga pangyayari sa ating bansa hanggang taon ‘60″.
“Ang mga migrante ay kadalasang pinagkakakitaan – ayon pa sa Unyon, ang pagpapadala ng remittance ay napaka-mahal at kadalasan halos 50% ng mga kaso, upang hindi gumastos ng malaki, ay dumadaan sa mga alternatibong paraan ng pagpapadala at humihing ng pabor o nakiki-padala na lamang sa mga kababayang umuuwi ng kanilang bansa upang dalhin ang pera, ngunit ito ay malaking panganib para sa kanila”.
Dahil dito, ayon kay Soldini, ay hindi angkop ang pagbibigay ng karagdagang buwis sa mga migrante. “Kung ang pag-usapan ang isyu ng remittances – dagdag pa nito – ay dapat lumikha ng isang mahusay na sistema at hindi ang pagbibigay ng karagdagang ‘bitag’ sa kita ng mga migrante na naninirahan dito sa ating bansa”. Ang solusyon, ayon kay Soldini, ay tiyak na isang mas epektibo at mabisang pakikipag-ugnayan sa mga bangko at sa banking system.
“Sa nakaraan ay bumuo kami ng isang konkretong inisyatiba sa banking system, pagpapaliwanag ng unyon- upang umpisahan ang isang ligtas at mabisang paraan ng pagpapadala ng pera, na pangungunahan ng mga bangko. At ganito ang sinasaad:”
Samakatwid si Soldini ay naglunsad ng isang panukala para sa ‘regularization’ ng remittances. “Bakit hindi harapin ang isyu ng remittances sa pamamagitan ng mga kasunduan ng kooperasyong internasyonal? Ang mga Remittances ng mga migrante ay maaaring pakinabangan hindi lamang upang suportahan ang kanyang sariling pamilya kundi pati na rin upang makalikha ng mga proyekto sa kanilang sariling bansa”, pagtatapos ni Soldini.