in

CGIL : Pag-isipang mabuti ang Direct Hire at gawing regular ang may trabaho

Ang Unyon  ay nananawagan sa “pagpigil” sa nakaraan. Nagmumungkahi rin na habaan ang validity ng permit to stay para sa paghahanap ng trabaho (attesa occupazione) at pahintulutan  ang mga refugees na Tunisiano at Libyan na magtrabaho.

altRome – “Ang Immigration ay isang mahalagang yaman para sa ating bansa at ang mga patakaran sa immigration ay nangangailangan ng mabisang ‘pagpigil’ sa nakaraan.”

Ito ay ayon kay Vera Lamonica, Confederal leader ng CGIL sekretarya, at Pietro Soldini, ang Head ng Immigration office ng unyon, na humihiling sa pagbubukas ‘round table discussion’  sa pagitan ng Gobyerno at social parties upang  mag simula sa tamang umpisa at hindi manghula na lamang” .
 

Ayon sa unyon, mayroong apat na mga katanungan na dapat pagnilayang mabuti. Una sa lahat, kanilang isinulat, “ang Direct hiring kung mananatili ang pamamaraan kung paano ito pinamahalaan ay isang  kabiguan. Kaya  dapat pag-isipang mabuti ang tamang paraan upang maging mas epektibo, mabilis at angkop sa labor market na mayroong triennial program”.

Kinukumpirma ng CGIL na bilang epekto ng krisis, ang mga migrante na nawalan ng  trabaho ay mas marami kaysa sa mga Italians. “9% ang average ng mga walang trabaho, habang ang sa mga dayuhan ay lumampas sa 12%”. Upang maiwasan na ang mga manggagawang dayuhan ay maging hindi regular, ay kakailanganin ang isang lunas tulad ng pagpapahaba ng validity ng mga permit to stay sa paghahanap ng trabaho (attesa occupazione) na sa kasalukuyang ay 6 na buwang hindi sapat na panahon  upang maging safety valves.

Ang Unyon ay naniniwala na dapat ding harapin “ang isyu ng regularization ng mga ilegal na imigrante na nasasamantala ng under the table job (lavoro nero)”. Bilang lunas ng ganitong uri – pagbibigay pansin ng CGIL – bukod sa gagawing legal sa trabaho ay magiging pabor sa labor market sa pagpapababa ng dumping sa paglago (1 point ng GDP sa 3 taon) at maghahatid ng resources (mula 3 hanggang 6 billion) sa kaban ng bayan.

Ang isa pang katanungan ay ang mga North African refugees. “Kakailanganin ang mabilisang pagkilos upang baguhin mula sa isang nakakalitong sistema sa isang tunay na reception center na magbibigay ng sagot sa katatagan at seguridad ng mga Tunisians at Libyans na mayroong humanitarian permit na maaaring mai-convert sa permit to stay para sa trabaho.

“Sa ganitong pananaw – pagtatapos ni Lamonica at Soldini – ay dapat na harapin sa lalong madaling panaho ang Direct Hire kung hindi man harangin, ang pag-uulit lamang ay magdagdag ng contradictions, pagkalito, tensions at irregularities”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga insulto sa FB sa bagong mamamayang Italyano

Cancellieri: “Katatagan at Pagkakaisa para pamahalaan ang immigration”