Soldini: “Buwis sa remittances ay hindi magbubunga ng anumang kita. Ang mga migrante ay hindi ibinilang sa mga stage at magiging mas madaling tanggalin sa trabaho. Regularization sa mga mayroong trabaho ay “isang aksyon ng katarungan at magpapahintulot ng malaking kita sa buwis at kontribusyon”
Rome – “Isang aksyong kasuklam-suklam dahil tila kikikilan pà ang ipon ng bukod sa maliliit na ang sahod ay nagta-trabaho pa sa ilalim ng pananamantala, nang walang anumang interbensyon upang gawing legal ang kanilang trabaho.” Ito ang komento ng National Immigration Head ng CGIL na si Peter Soldini, ukol sa buwis sa remittances ng mga migrante na nasasaad sa mga probisyon (manovra) na inaprubahan sa Senado.
Binigyang diin nito, ang pangangailangan ng aksyon para sa regularisasyon ng hindi regular na mga trabaho (lavoro nero) at partikular ng mga migranteng manggagawa na, bukod sa pagiging isang aksyon ng hustisya, ay magpapahintulot sa malaking kita sa buwis at kontribusyon, tulad ng nabanggit ng Stranieri in Italia ay magkakahalaga ng higit sa tatlong bilyong euros bawat taon, at magiging isang magandang pagkakataon upang makatulong sa paglago ng bansa. “
Pagpapatuloy pa ni Soldini, “Ang buwis sa remittances, sa kabila ng mga propaganda, ay hindi magbubunga ng anumang mga kita, kung mayroon man, ay madadagdagan lamang ang mga private sectors at ang mga ‘paki-padala’’ ng pera ng mga migrante sa kanilang sariling bansa.”
Para sa CGIL, ito ay hindi lamang, ang tanging interbensyon ng pag-uusig at diskriminasyon laban sa mga migrante na nilalaman ng mga probisyon (manovra) . Isinawalat din ng unyon na ang Artikulo 11 ng panukalang-batas ay nagsasaad ng “pagbibigay ng mga mas mahigpit na requisite upang pahintulutan ang mga magsasanay na migrante: sa kabila ng ayon sa Ministry of Labour, ang instrumento ng internship o stage ay dapat na maging isang pribiliheyo para pagtagpuin ang demand at supply ng trabaho para sa mga migranteng manggagawa”.
Gayundin ang nilalaman ng Artikulo 8 “madaling pagpapatalsik sa mga migranteng manggagawa”. Sa pagtatapos ni Soldini ay sinabing pahihinain pa ng probinsyon ang mga migrante sa trabaho na tinuturing ng mahihina.