Ito ang komento ni Vera Lamonica, leader ng CGIL.
Roma – Migrante “Isang yamang kailangan ng bansa, ngunit patuloy na nagdudusa mula sa mga patakaran ng isang gobyernong nagiging sanhi ng irregularities at ‘lavoro nero’.
Ganito ang naging pahayag ng lider ng CGIL na si Vera Lamonica sa ipinamahaging dossier ng Caritas.
“Isang ulat na nagpapakita ng pinagbabayaran ng mga migranteng manggagawa dahil sa krisis at sa mga hindi makatwirang mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang ito, tulad ng walang makabuluhang probisyon na nagpapahintulot lamang ng anim na buwang validity ng mga permit to stay sa mga nawalan ng trabaho na nagiging sanhi upang ang libo libong mga migrante ay maging di-regular”, pagtatapos pa nito.