in

CGIL: Regularization sa mga irregulars

Ayon sa mga unyon, sa pagitan ng 2010 at 2011 halos 500,000 imigrante ang mga naging irregular dahil sa pagkakatanggal sa trabaho at dahil sa kasalukuyang krisis ay hindi na na-renew ang kanilang permit to stay. Panawagan sa Gobyerno at sa Parlamento.

Roma – Hulyo 4, 2012 – Patuloy ang paglala ng krisis sa black market at lavoro nero.  Halos 500,000 mga mangagawang dayuhan ang natanggal sa trabaho nitong mga huling buwan, hindi na-renew ang mga permit to stay at sapilitang tinanggap ang pagiging irregular at karaniwang nagiging biktima ng mga katiwalian. Dahil dito ay kinakailangan ang mabilisang pagkilos para sa isang regularization bilang isang probisyon ng batas. Ngunit kinakailangan ring tingnan ang buong sistema ng batas ng imigrasyon na sa kasaluyan ay naging bahagi na ng pundasyon ng bansa.

Ang alarma ay buhat sa CGIL sa National Conference on Immigration na dinaluhan ng mga delegasyon ng mga unyon ng mga imigrante, operators at mga representatives ng local administration at local government ilang araw na ang nakakalipas.

"Hindi maaaring magpatuloy na tingnan ang imigrasyon bilang isang emerhensya – ayon kay Vera Lamonica, ang general secretary ng CGIL sa pagtatapos ng conference – pinag-uusapan dito ang bahagi ng pundasyon at ang yaman ng bansa, sa popolasyon ng bansa, sa uri ng kanilang trabaho, ang kanilang kontibusyon sa welfare, kung saan mas marami ang kanilang ibinibigay kaysa sa kanilang tinatanggap. Maging ang pagkilos sa citizenship ng mga imigrante, simula sa pagbibigay ng karapatang bumoto sa halalang lokal”.

Ang pinakahuling ulat ng Caritas sa immigration, paalala pa ng unyon, ay tinatayang 600,000 ang mga nawalan ng permit to stay dahil sa pagkakatanggal sa trabaho. Ang Census 2011naman ay nagsasabing 1 milyon ang mga nakatanggap ng questionnaire, ngunit hindi lahat ay sumagot at nagbalik nito. Buhat sa dalawang bilang na ito, ang CGIL ay nakuha ang 500,000 katao nalugmok sa irregularities.

"Kung ang lahat ng mga taong nawalan ng permit to stay ay magpasyang bumalik sa kanilang sariling bansa – pagpapaliwanag ni Piero Soldini, Responsible sa imigrasyon ng CGIL – tila exodus ng 50,000 bawat buwan, 1800 araw-araw. Isang exodus na hindi makakalampas sa pansin ng lahat. Ngunit kung hindi umuwi ang mga ito, nasaan sila ngayon?”

Dahil dito ay isang alarma buhat sa CGIL ng isang tunay na emergency, ang regularization. Kasama ang gobyerno ay nagsimula na ang isang talakayan at dalawang pagpupulong na ang naganap. Ngunit hanggang sa ngayon, ang mga naging introductions at availability upang harapin ang suliranin ay hindi pa nagiging isang probisyon.

Sa pagtatapos ng National Conference on Immigration, sa pamamagitan ng Vera Lamonica, ang general secretary ng CGIL, ang unyon ay inihayag ang mga proposal: isang regularization sa lahat ng nasa ilalaim ng lavoro nero bilang probisyon ng Directive 52, ang pagbibigay ng permit to stay bilang proteksyon at convertible para sa mga naging biktima ng katiwalian at nagre-report sa mga ito; isang probisyon sa karapatang pantao sa mga refugee mula sa North Africa at Libya; isang free public courses sa pag-aaral ng wikang Italyano.

Humihiling din ng probisyon ukol sa semplipikasyon ng mga bureaucratic rules upang magtagumpay ang mga inefficienciesnito, muling suriin ang hindi makatarungan dagdag na singil sa mga permit to stay at pag-usapan ang kampanyang "l'Italia sono anch'io" para sa riporma ng citizenship at karapatang bumoto.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay ng isang taon sa mga nawalan ng trabaho. Ipatutupad simula July 18

PE Rome Celebrates the 114th Anniversary of Proclamation of Philippine Independence and 65th Anniversary of Philippine-Italian Relations