Isang tahimik na uri ng protesta sa loob ng shelter (centro d'accoglienza) sa Lampedusa. “Mula salita sa aksyon, upang ang Italya ay bumalik bilang isang bansa na gumagalang sa mga karapatan”.
Rome, Disyembre 23, 2013 – Khalid Chaouki, isang parliamentarian at coordinator sa imigrasyon sa Parliyamento (PD), ang kusang pumasok upang manatili sa shelter ng Lampedusa.
Si Chaouki ay pumasok kahapon ng umaga sa shelter, bilang parliamentarian. Ito ay kanyang binisita ilang beses na rin sa nakaraan, at ilang beses na ri-report ang kundisyong di makatao sa loob nito. Matapos ang episodyo ng “disinfestation” sa mga kasalukuyang tumutuloy dito, si Chaouki ay pagpasyang bumalik at manatili dito bilang paraan ng kanyang protesta.
Ayon sa mambabatas, nais nyang ipagpatuloy ito hanggang ang sitwasyon ay hindi nagbabago. Partikular, ang kanyang kahilingang ilipat ang mga refugees sa mas angkop na shelter, mula sa mga survivors sa trahedya noong Oct 3 hanggang kay Khalid, ang binatang kinunan gamit ang cellphone nito ang di makataong naging paggamot sa antiscabbia.
"Tila mga bayani ang naging turing sa mga sumakabilang buhay na kasama. Ngunit ang mga nakaligtas ay tila mga bilanggo. Hindi ito makatwiran. Isang skandalo! Iniyakan ang mga namatay ngunit pinaparusahan ang mga nabuhay”, paliwanag ni Chaouki sa isang liham sa La Stampa.
"Isang uri ng pagbabalatkayo – ayon pa kay Chaouki. Sa puntong ito, sapat na ang magagandang salita at dapat ng matigil ang pagtanggap ng kahihiyan ng Italya dahil sa pagiging irisponsable at sa kakulangan ng pagbabantay sa prinsipyo at karapatang pantao, na hanggang sa kasalukuyan, ay itinuturing ang Lampedusa bilang isang free zone at malayo sa legality.
Inireklamo ni Chaouki ang hindi pagsunod sa batas ng shelter sa Lampesusa, simula sa panahon ng pananatili dito ng mga humihingi ng asylum na dapat ay hanggang 96 hrs lamang. “Ako ay nagtungo sa Lampedusa noong 2008, at ako ay bumalik ng ilang beses. Hanggang sa ngayon ay walang pagbabago, at hindi na natin maaari pang pabayaan ang magpatuloy sa ganitong pamumuhay ang sinumang nagmamaka-awang tumakas mula sa digmaan sa Siria o sa malupit na diktadura sa Eritrea."
"Ngayon – pagtatapos ni Chaouki – ay ating obligasyon ang kumilos, mula sa salita sa aksyon at bumangon: Italya, bumalik sa bansang bukas at gumagalang sa karapatang pantao at mga refugees. Ako ay nahandito para sa mga refugees at lalong higit para sa Italya. Isang bansa na nais kong ipagmalaki sa Mediterranean, sa Europa at higit sa lahat sa buong mundo. "
Sundan si Khalid Chaouki sa Facebook:
Gruppo – SOSTENIAMO CHAOUKI. ORA I FATTI: TUTTI FUORI DAI CIE
Evento – SOSTENIAMO CHAOUKI. ORA I FATTI: TUTTI FUORI DAI CIE