in

Charice – “Icon of Tomorrow” sa US Teen Magazine Awards

Ang patuloy na pag-angat ni Charice Pempengco sa larangan ng musika ay hindi na kaya pang pigilan.

Na-feature sa USATODAY ang pagkahirang kay Charice bilang unang “Icon of Tomorrow” sa US Teen Magazine Awards.

Sikat na sikat sa buong mundo ang 18 year old na Charice na walang pinangarap kundi pasayahin ang kaniyang ina (Raquel) at kapatid  (Carl – 5 year old) mula sa isang karanasan na minsan niyang kinatakutan. Sa isang feature article na On the verge: Meet Charice, the little girl with the big voice, (USA TODAY) nabasa ang background ng buhay ni Charice simula noong bata pa siya at kung paano sila iniwan ng kanyang ama matapos nitong tutukan ng baril ang kanyang ina.

Lalong nagiging brighter ang kinabukasan ni Charice Pempengco bilang isang kilalang international singer at ilang beses na rin siyang naimbitahang umawit sa Rai 2 at Rai 5 (Italian TV channel) na talaga namang pinalakpakan at pinandigan ng balahibo ang mga manonood nang maka-duet niya sa awiting “Adagio” si Cristian Imparato sa Io Canto – Channel 5.

Naging award-winning TV series “Glee” na kung saan ay kasali si Charice at nahirang bilang “Iconic TV Show” at “Iconic Fan Favorite.” Ayon pa sa mga balita, ipalalabas sa Amerika ang season 2 ng Glee ngayong araw na ito, Martes.

Maraming excited na mapanood sa nasabing palabas ng Fox channel si Charice lalo na raw ang bongga ang accent niya sa nasabing palabas na sikat na sikat sa buong mundo.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mondaini: Igalang ninyo ang aming pagluluksa

Middle name ng mga Pilipino sa Italian document tatanggalin