in

Christmas Vacation sa sariling bansa? Kontrolin muna ang inyong permit to stay.

Narito ang mga bansang maaaring puntahan kung balido o naghihintay ng renewal ng permit to stay. Samantala, kung naghihintay ng releasing ng first issuance naman, lahat ay naka dipende sa entry visa.

altRome – Ang Chrsitmas vacation ay karaniwang pinakahihintay upang makapag bakasyon sa sariling bansa, ngunit ang pagbabakasyon ay batay sa kasalukyang sitwasyon ng permit to stay. Narito ang mga mahahalagang paalala upang maiwasan ang di kanais-nais na mga sorpresa.

Kung balido ang permit to stay ay maaaring magbakasayon sa sariling bansa at bumalik ng Italya. Mahalagang dala ang permit to stay.

Maaari ring magbiyahe bilang turista na hindi kakailanganin ang entry visa sa lahat ng bansa ng Schengen: Belgium, Pransya, Alemanya, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Espanya, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia , Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta at Switzerland. Kung ang pipiliin naman ay non-Schengen country, dapat alamin kung sa ilalim ng mga kasunduan ng sariling bansa ay nangangailangan ng entry visa.

Sa sinumang naghihintay sa renewal ng permit to stay, ang paglabas o pagbalik mula sa Italya at sa sariling bansa ay hindi pinapayagan ang stopovers sa mga Schengen countries. Kailangang dalhin ang pasaporte, ang expire na permit to stay at ang mga resibo ng post office (cedolino) na ipapakita sa mga borders.

Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o  family reunification ay maaaring maglakbay sa Schengen countries kung ang uri ng entry visa ay “Schengen uniforme” na balido sa panahon ng pagbibiyahe ngunit kung hindi ay maaari lamang magbiyahe mula Italya patungong sariling bansa na walang stopover sa anumang bansa sa Europa. Sa anumang kaso, dalhin ang resibo (cedolino) at pasaporte, at dapat na ipakita ang visa na ibinigay ng konsulado kung saan nakasaad ang dahilan ng pananatili sa Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OAV, higit sa 5,000 pa lamang ang aplikante

Pinoy, pinarusahan ng kamatayan sa China