in

Citizenship – 14 na mga panukalang batas sa Parliyamento

Tila nagmamadali upang baguhin ang mga panuntunan ng pagiging ganap na Italyano. Pinaka-aktibo ang Democratic Party, ngunit kumikilos din ang lahat ng partido. Maliban sa M5S.  

Roma – Abril 2, 2013 – Sa pagitan ng komite ng mga “saggi” at isang gobyernong sinisikap na mabuo, ay tila kakaunti ang pag-asa sa bagong lehislatura. At isa sa kakaunting ito ay bahagi ang riporma ng pagkamamamayan na nananatiling sentro ng Parliyamento.

Ito ay pinatunayan ng maraming bill na inihain na naghahangad na baguhin ang mga pamantayan upang maging italyano. Mula sa isang mabilisang pagsilip sa database ng Parliyamento ay mayroong labingapat na panukalang batas, sa Kamara at sa Senado, pinangungunahan ng programang l’Italia sono anch’io mula sa sambayanan. Sa mga susunod na araw, ay pamagat lamang at hindi teksto ang ilalathala.

Ang mga parliamentarians ng Democratic Party, na may walong panukala, ang nagunguna. Sa Montecitorio, bukod sa nilagdaan nina Pierluigi Bersani, Roberto Speranza, Cecile Kyenge at Khalid Chaouki ay mayroong iba pang nilagdaan ni Gianclaudio Bressa (isang para sa lahat, at isang para lamang sa ikalawang henerasyon), Susanna Cenni, Sandra Zampa, at Guglielmo Vaccaro. Sa Senado naman ay kumilos sina Senators Luigi Manconi at Felice Casson.

Ang Sinistra Ecologia e Libertà ay naghain rin ng 2 panukala, isa sa Kamara na pinirmahan ni Nichi Vendola noong Marso 15, ang isa sa Senado, sa pangunguna ni Loredana De Petris. Kahit ang Scelta Civica per l’Italia (kahit na inihabol ang reporma sa program noong halalan) ay kumilos na din sa parehong Houses of Parliament, sa pamamagitan ng mga panukala ni Mario Marazziti at Senator Aldo Di Biagio.

Isinasara ang listahan ng mga panukala na inihain sa Kamara ni Davide Caparini ng Lega at ni Marco Di Lello ng socialista. May panukala rin si Edmondo Cirielli, Fratelli d’Italia, ngunit ito ay sumasaklaw lamang sa mga Somalians na dumalo ng mga militar academies at italian school for officials.

Kapansin-pansin ang kawalan ng inihaing panukala ng M5S. Dahil sa sinabi ng leader nito na “walang kapararakan”? Mahirap itong sabihin, dahil hanggang sa kasalukuyan ang mga deputies at senador ng partido ni Grillo, tulad ng makikita sa database, ay wala pang naihahaing panukala, maging kahit sa mga programa nitong sa Parliyamento.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

April 10, deadline ng kontribusyon

Pilipinas, pinarangalan bilang “One of 2012’s Best Leisure Destination Award”