in

Citizenship at karapatang bumoto, dapat harapin sa Parliyamento

Ang bagong Pangulo ng Kamara ay hinarap ang mga promoters ng inisyatibang “L’Italia sono anch’io”. Ang mga ito ay pawang laban para sa kultura, huwag natin itong hayaang nasa loob lamang ng isang kahon”.

Roma – Mayo 7, 2013 – Baguhin ang batas sa citizenship at kilalanin ang karapatang bumoto sa lokal na halalan.

Ito ang kahilingan ng higit sa 100,000 mga Italians na pumirma sa dalawang panukalang batas buhat sa inisyatibang “L’Italia sono anch’io”. Ang mga panukala na inilahad sa Parliyamento higit sa 1 taon na ang nakakalipas, at hindi kaylan man nasimulan ang diskusyon sa komite. Isang destino na maaaring maganap muli sa kasalukuyang lehislatura kung wala ang political will upang ito ay harapin.

Dahil dito isang delegasyon ng mga asosasyon na nanguna sa nabanggit na inisyatiba ang nakipag-pulong sa Pangulo ng Kamara na si Laura Boldrini. Na matapos mapakinggan at harapain, ay hindi umatras bagkus ay sinabing: “Ang iba’t ibang asosasyon – ayon pa kay Boldrini – ay nagtutulak sa mga panukalang ito hangga’t hindi ito nai-scheduled. Naniniwala ako na mayroong sapat na dokumentasyon upang hindi maiwan lamang ang mga panukala sa loob ng isang kahon”.

 “Ako ay magsusumikap, kasama ang mga grupo sa Parliyamento upang gumawa ng mga hakbang ng kolaborasyon”, pangako ni Boldrini. At ipina-alalang ang hangarin ng Pangulong Giorgio Napolitano sa mga temang ito, partikular ang ukol sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante na ipinanganak o lumaki sa bansang Italya.

 “Inaasahan ko na ang Parliaymento ay tatanggapin ang mga tema buhat sa tanggapan ng Pangulo”. At ang kanyang muling pagkakahalal, buhat sa malawak na pagkakasundo sa Parliaymento ay nagbibigay ng pag-asa sa akin” 

“Ako ay kaisa ng sinumang nag-iisip na buhat sa krisis ay maaaring magbukas ang pinto ng pag-asa para sa isang mas nagkakaisa at mas matatag na lipunan. Ang ius soli at ang karapatang bumoto ay pawang mga laban para sa kultura na nangangailangang pagtuunan ng pansin”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Giulio Andreotti, pumanaw na

Pilipinong nagpapautang sa kapwa Pilipino, 10 arestado