Ang lider ng UDC: “Ius soli ay isang pagpiling may pananaw.” Ravasi, “Mula sa pagiging multiculturalism sa pagiging interculturalism”
Rome – “Ang malaking isyu ay ang integrasyon na nangangailangan ng shared values upang makabuo ng isang lipunan bilang bansa atbilang Italyano.” Ayon dito, “naniniwala kami na ang ‘Ius soli’ ay ang tumpak na pagpili ng mga perspektibo ng isang lipunan:. Ang isang batang ipinanganak sa Italya ay dapat na may karapatan sa Italian citizenship”.
Sinabi kahapon ng UDC lider na si Pier Ferdinando Casini, sa isang pagpupulong para sa integrasyon na pinangunahan ng Liberal Foundation na si Ferdinando Adornato. “Kailangan ng lakas ng loob upang tanggapin –dagdag pa nito – na ang Multiculturalism ay nabigo, at dahil dito ay pinag-uusapan ang tungkol sa interculturalism”.
Sa pagpupulong ay nagsalita din si Monsi. Gianfranco Ravasi, ang Presidente ng Konseho para sa Kultura ng mga Obispo. “May tatlong mga paraan – sinabi nito- na may kaugnayan sa problema ng integration. Ang una ay ang paglaban sa civilizations, na naglalagay bilang kaaway ang kultura ng Western laban sa lahat ng ibang kultura. Ang ikalawang ay multiculturalism, na nanatiling isang pangunahing modelo na may kaakibat na mga linyang pundamentalismo.
Naniniwala si Ravasi na dapat ay napakahalaga ng ‘”Multicultural, bilang dynamic model na maglalagay sa paghahambing at dialogo, kahit na ito ay maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan . Dapat na ipaglaban ang ikatlong paraan, at tandaan na ito ay hindi isang duelo, ngunit isang duet o pagkakaisa. Ang ikatlong paraan ay ang dialogue”.