Isang binata na ipinanganak at lumaki sa Emilia Romagna ang nawala sa listahan ng mga residente ng tatlong taon. Para sa mga hukom, ay mayroong karapatan sa citizenship.
Roma – Marso 1, 2013 – Ang "patlang" ng ilang taon sa anagrafe o registry office bilang residente ay hindi maaaring maging hadlang sa mga ipinanganak at lumaki sa Italya upang maging ganap na italyano sa pagsapit ng 18 anyos. Mahalagang mapatunayan na ang mga kabataang ito ay nasa bansang Italya, kahit opisyal na hindi nakatala ang mga ito.
Isang bagong pahina na papabor sa ikalawang henerasyon ngunit laban naman sa bureaucracy, na ilang beses na nagpabigat sa Hukuman ng Reggio Emilia. Isang hatol kamakailan ang iniulat ng ASGI, ang nagpasyang paboran ang isang ‘dayuhan’, dahil anak ng imigrante, ipinanganak at lumaki sa rehiyon ng Emila Romagna, ngunit sa pagitan ng taong 2001 hanggang 2004 ay hindi opisyal na nakatala bilang residente.
Sa pagsapit ng wastong gulang, 18 anyos, ay hiniling ang maging ganap na italyano sa alkalde ng Rubiera, isa sa mga munisipyo ng Reggio Emilia kung saan naninirahan. Pinanghahawakan ang kasalukuyang batas, kung saan nababanggit na “ang sinumang ipinanganak at lumaki sa Italya, at tuloy-tuloy sa loob ng 18 taon ay naninirahan sa Italya, sa pagsapit ng 18 taong gulang ay maaaring maghayag ng pagnanasang maging ganap na italyano nang hinid lalampas sa 12 buwan”.
Ang binata, simula kapanganakan ay palaging nakasulat sa permit to stay ng magulang. Kasama ang ibang mga dokumento (school certificates at vaccination certificates) na nagpapatunay, na sa kabila ng 3 taong di-opisyal na pagkakatala o patlang sa pagiging residente, ay nanatili sa bansa. Para sa maikling panahon, ang kanyang pamilya ay naninirahan sa isang gusali na maaaring naging sanhi ng kumplikasyon sa kanilang residency.
Par sa alkalde ng Rubiera, gayunpaman, ay hindi naging sapat ang mga ebidensya. Hindi ipinagkaloob sa binata ang Italian citizenship dahil sa kakulangan ng "continous legal residency," at sinabing hindi maaaring gamitin sa kasong ito ang malawak na interpretasyon ng batas, tulad ng nababanggit sa dalawang circulars ng Ministry of Interior, dahil “wala sa talaan ng tatlong taon”.
Ang binatang nag-mimithing maging Italyano ay nag-apela at ang hukuman ng Reggio Emilia ay tinanggap naman ito.
Ang mga hukom, sa katunayan, ay pinanghawakan ang pangunahing nilalaman ng batas, kung saan nasasaad na ang sinumang ipinanganak at legal na nanatili sa bansang Italya hanggang 18 anyos ay mayroong karapatan maging italyano. At kung nais talagang “matiyak ang tagumpay na konklusyon ng proseso ng integrasyon ng mga kabataang dayuhang ipinanganak sa Italya”, tulad ng mabababsa sa mga circular ng Viminale, ay hindi mahalaga kung gaano katagal, kahit na sila ay naririto sa Italy, ang patlang sa talaan ng registry office. Maigsi o mahaba man ang patlang na ito, sila ay mayroong karapatan sa citizenship.