in

Citizenship, isang layunin at hindi awtomatiko

“Ang citizienship ay dapat ibigay sa lahat ng mga bata na ipinanganak dito at nakatapos ng obligatory schoool sa Italya. Ang mga over 18 naman ay dapat alam ang wikang Italyano pati ang Sibika at Kultura”.

altRoma – Pebrero 23, 2012 – “Huwag mahulog sa patibong ng ‘buonismo’ na hindi maghahatid ng magandang resulta at huwag ibaba ang dangal ng Italian citizenship sa pagbibigay nito ng awtomatiko.

Ito ang mga kundisyon na ibingay ni Francesco Rutelli para sa reporma ng pagkamamamayan. Ayon sa lider ng Alliance para sa Italya, sa isang panayam kahapon ng Il Giornale,”ukol sa ideya na tila isang pirasong papel na maaaring kunin ninuman, na kasing dali tulad ng pagbili ng mga steakers sa newspapers stands,  ay mababaw at mapanganib”.

“Kung iaangkop natin ang kriterya ng ius soli, o ang awtomatikong pagkamamamayan sa sinumang ipinanganak sa Italya, ay tila ipinagsasapalaran natin na ang isla ng Lampedusa o ang porto ng Ancona o estasyon ng tren sa Trieste bilang pinaka sikat na klinika para sa panganganak sa Europa. Ang pagiging mamamayang Italyano ay nangangahulugan din ng pagiging mamamayang Europeo. Ang Italya ay maaaring gamitin bilang instrumento para sa malayang pagpasok sa buong Europa”, ayon pa kay Rutelli.  

Ang pagkamamamayan ay “ang layunin ng isang proseso at hindi matatapos lamang sa pamamagitan ng isang sertipiko”. Ako halimbawa, – pagpapatuloy pa ni Rutelli – ay sang-ayon sa pagpapaikli ng panahon ng pagbibigay nito, dahil napakahaba ng sampung taon at sang-ayon din ako sa pagbibigay ng citizenship sa mga ipinanganak sa Italya at nakatapos ng obligatory school sa Italya: pagkatapos ng first degree High School sa halip na 18 yrs old. Ngunit may mga alituntunin: ang sinumang nais maging Italyano over 18 yrs old ay dapat alam ang wikang italyano at kilala ang base upang mamuhay ng sibil at kailangang gumawa ng isang deklarasyon na pag-aaralan ang Saligang batas”.

Ang mga reaksyon
“Ako ay sigurado na ang pag-iisip ng Francesco Rutelli ay hindi tama at patuloy pa rin kami sa citizenship para sa mga ipinanganak sa Italya, ngunit ang mga magulang ay permanente at legal na residente sa Italya ng 5 taon, at samakatwid ay isang’ius soli temperato’, ayon sa Vice Coordinator Fli Fabio Granata. “Walang panganakan sa Lampedusa, samakatwid. Subalit ang hinaing ng isang bago at sa wakas mas makataong batas sa mga bagong mamamayang Italyano. Ang Italya sa sinumang nagmamahal dito”.

Ang representante ng PD na si Andrea Sarubbi ay sumulat sa kanyang twitter account ng: ”Si Rutelli ay nakikipaglaban sa kanyang imaginary enemy: wala ang ‘ius soli secco’, sa iba’t ibang mga panukala na tatalakayin sa House. “Sapat nang hingin ito”.” Lahat ng mga panukala na kasalukuyang sumasailalim sa talakayan sa pagkamamamayan ng mga anak ng dayuhang magulang ay nagsasaad ng pagiging permanente sa Italya ng buong pamilya hanggang sa ipinanganak ang sanggol, at ito ay kilalang ius soli temperato”, dagdag pa nito.

“Ang pag-atake ni Rutelli laban sa citizenship ay isang magkahalong nakakagalit na tono at argumentong walang batayan. Kung talagang kinakailangan na magpakita sa proseso ng pagbuo ng bagong reporma, maaaring pumili ng isang kilalang paksa” pag-atake ni  Jean-Leonard Touadi ng Democratic Party.

Ang “Echoing” gaya ng Lega Nord, ay nakilala bilang ‘grillino’ kamakailan. Ang paggamit ng leader ng Api, sa Italya bilang panganakan ng Europa. Hindi binigyang pansin ng Rutelli na walang reporma sa kasalukuyan, kahit na ang asosasyon ng ‘L’Italia sono anch’io’ ay nagsasaad ng awtomatikong pagbibigay ng ‘ius soli’ sa halip ay humihingi ng isang batayan, ang buhay na permanente sa Italya ng pamilyang pinagmulan ng batang ipinanganak sa Italya” .

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mula sa China ang mga migranteng milyunaryo

Entrepreneurship program para sa mga pamilya ng Ofws