in

Citizenship. “Itigil ang pagpapaliban, hindi na makakapaghintay pa ang reporma”

Santerini (PI): “Ang babala sa diumano’y imbasyon ang nagtulak sa executive body upang mag-ingat. Ngunit ito ay isa sa mga priority bills”.

 

Roma, Agosto 27, 2015 – “Hindi na makakapaghintay pa ang Batas sa Pagkamamamayan. Tayo ay pinangakuang magkakaroon ng diskusyon bago matapos ang summer, at pagkatapos ay binago at naging bago matapos ang taon. Ngayon ay nanganganib na muling ipagpaliban”.

Ito ay ayon kay Milena Santerini, deputy ng Per l’Italia – CD at presidente ng No Hate Parliamentary Alliance sa European Council at isa sa nagsulong ng susog para bigyan ng citizenship ang mga anak ng mga imigarnte.

Kasabay ang paglaban sa ‘new poverty’ – ayon kay Santerini – ito ay isa sa mga priprity bill. Ngunit sa kasamaang palad, ang mga partido ay patuloy na nagbibigay babala ukol sa diumano’y magiging imbasyon ng mga imigrate na syang nagtulak sa executive body na maging maingat”.

Ayon sa unified document na pinagtibay ng Committee on Constitutional Affairs, ang batang ipinanganak sa Italya na imigrante ang mga magulang at regular na residente ng hindi bababa sa limang (5) taon ay awtomatikong Italian citizen. Ngunit kung ang mga magulang ay hindi regular na residente tulad ng nabanggit o wala pang limang (5) taong residente o ang anak ay sa ibang bansa ipinanganak ngunit dumating sa Italya ng wala pang labindalawang (12) taong gulang, ang italian citizenship ay ibibigay makalipas ang limang (5) taong pag-aaral.

Ito ang tinatawag na ius soli temperato – dagdag pa ni Santerini – na maihahalintulad sa ius culturae. Ang paaralan ay gagawing isang lugar kung saan matatanggap ang mga instrumento upang maging responsable sa pagiging ganap na mamamayan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2440 mga namatay sa Trahedya ng Imigrasyon sa Mediterranean

Global Day of Prayer for Peace and Victory, gaganapin sa Roma sa Aug. 30