in

Citizenship. “Kakulangan sa batas at patakaran, ngunit pabor ang mga Italians”

Ayon sa ulat ng Censis ukol sa social condition ng bansa. "Hindi pantay na pagkilala dahil na din sa kawalan ng European standard"

Roma, Dis 28, 2012 – Ang kakulangan ng EU standard ukol sa tema ng citizenship ay lumilikha ng hindi tama at hindi patas na pagkilala. At ang Italya ay nahuhuli lalo na kung ikalawang henerasyon ang pag-uusapan, ang mga batas at mga patakaran na kahit ang public opinion ay di binigyang puwang.

Ito ay ayon sa Censis sa 2012 Report ukol sa social situation ng bansa nitong Disyembre sa Roma.

“Sa loob ng mga EU member states – tulad ng mababasa sa kabanata ukol sa seguridad at pagkamamamayan – ay ipinatutupad ang iba't ibang mga pamantayan at mga pamamaraan ukol sa karapatan ng pagkamamamayan, ngunit nagiging isang pangangailangan ang pagkakaroon ng European standard. Ang mga pagkakaibang ito, sa katunayan, ay nanganganib na magdulot ng hindi pantay na judicial condition sa mga mamamayang banyaga, na maaring magresulta ng hindi pantay na pagtingin.”

"Ang batas sa Italya- paalala pa ng Censis – ay nagpapatunay ng mabagal na proseso sa pagsusuri ng mga batas upang ipagkaloob ang citizenship sa mga banyagang kabataan. Ang dayuhang ipinanganak sa ating bansa, sa katunayan, ay maaari lamang maging mamamayang Italyano sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, kung nanatiling nanirahan sa Italya ng tuluy-tuloy sa loob ng 18 taon at ihahayag sa loob ng 12 buwan ang pagnanais na maging mamamayang Italyano.

Lahat ng ito habang ang public opinion ay tila patungo sa isang mas magaan at may pahintulot na pagkilala sa ius soli: ang 72% ng mga Italians ay naghayag ng pagiging pabor sa pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng mga imigrante na ipinanganak sa Italya. Ngunit, ayon pa rin sa ulat, “ang pagpupursigi para sa isang pagbabago buhat sa public opinion ay wala namang puwang sa politika. Sa kasalukuyan ay inaamag pa rin sa Parliament ang maraming bill at maging ang people’s initiative ng programang “L’Italia sono anch’io”, na tumanggap ng malawakang consent, ay hindi pa rin nagbubunga”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bawal ang inuman sa mga kalsada sa Maynila sa Bagong Taon

CHRISTMAS PARTY FOR A CAUSE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA NG MINDORENOS ITALIA SA ROMA