in

Citizenship. Letta: “Reporma para sa ikalawang henerasyon sa bagong kasunduan sa gobyerno”

"Ang  Italya ay nagbago na at hindi dapat palagpasin ang mga oportunidad . Sa isang conference sa pagtatapos ng taon ang Prime Minister ay inihayag din ang pagbabago sa Bossi – Fini law at pagbabago sa sistema sa Cie (Identification and Expulsion Centres)”.  

Roma, Enero 3, 2014 – Reporma sa citizenship, pagbabago sa batas ng imigrasyon at ang pagbabago sa sistema sa Cie ay kasama sa mga priyoridad sa kasunduan sa gobyerno.

Ito ang inihayag noong nakaraang Disyembre 23 ni Prime Minister Enrico Letta sa isang press conference bago matapos ang taong 2013.

"Ako ay naniniwala – paliwanag ng Prime Minister – na isang bagong batas ukol sa tema ng ius soli ay kinakailangan. Inuulit ko, na ako ang nagpasya na magkaroon ng ministro para sa integrasyon at pinili ko si Cecile Kyenge. Para sa akin, isusulong ko ang reporma para sa citizenship at sa ius soli bilang bahagi ng kasunduan sa gobyerno na aming isusulat sa Enero”.

“Pinaniniwalaan ko – dagdag pa ng Prime Minister – na ito ay mahalaga at pangunahin. Lahat ay nagbago na, ang ating mga anak ay nakita sa kanilang silid-aralan ang kaleidoscope, na hindi natin nakita noong tayo’y nag-aaral pa at maraming oprortunidad ang hatid nito na dapat ay hindi natin ipagkait sa kanila. Ito ay magaganap lamang kung mamumuhay sa isang kundisyon na ang kanilang mga kamag-ar, na imigrante ang mga magulang, ay maging ganap na italyano. Ito ay isa sa mga puntos na nais kong paglaanan ng panahon”.

Bukod dito, matapos ang mga ginawa ng Italya sa naging trahedya sa Lampedusa, ay nagsalita ang Prime Minister ukol sa Mare Nostrum operation. “Ang Italya ay malayang ginampanan ang isang operasyon na hindi lamang sumagip sa buhay ng higit sa 2,000 katao na nalulunod, bagkus ay nagpahintulot rin na mahuli ang mga trafficers, ang mga smugglers na natagpuan ng mga submarines, sa pamamagitan ng mga nakunang imahe at dinala ang mga ito sa prosecutor’s office upang tuluyang arestuhin.

“Ang mga pagdaong sa Lampedusa  – bigay-diin ni Letta – sa taong 2013 ay na-triple. Hinarap natin ang matinding sitwasyon kung saan nakita natin ang pagbibigay ng bansa ng mga kasagutan. Ang Mare nostrum ay isa sa mga ito, ang ilan naman ay batay sa Europa na ang diskusyon at ang konklusyon ay nakalaan sa European Council, ang pagpapalakas sa frontex, eurosur at ibang aspeto. Samantala ang ibang bagay ay tayo ang dapat gumawa”-.

“Walang duda – paliwanag ni Letta – na ang diskusyon ukol sa ilang aspeto ng Bossi Fini law ay temang haharapin rin sa Enero. Tulad ng intensyon ng gobyernong malayang harapin ang kabuuang pagbabago sa sistema at sa pagtanggap sa Cie, bilang pagpapatuloy sa sinimulang programa ng Sistema di Protezione e Accoglienza per i Rifugiati, na nagdoble sa 16,000 ang capacity nito”.

Ang lahat ng mga ginawang desisyon sa panahong  “kumplikado” at ang “bagong presyon sa ating baybayin sa isang mahirap na taon”.

"Isang pagbabago sa sistema at sa pagtanggap sa Cie – pagtatapos ni Letta – ay nagpapahiwatig ng isang obligadong kasagutan sa presyon na ito. Pagsasamahin ang mga pangunahing proteksyon sa karapatang pantao at ang aplikasyon ng mga pamantayan sa pagtanggap na kinilala sa ating bansa at ang kaligtasan ng ating mga mamamayan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rizal day, taunang ginaganap sa Roma

Decreto flussi para sa 10 000 seasonal workers