"Sa pagkakataon ng di-pagsunod sa anumang administrative procedure” kahit di sinasadya ng mga magulang, gaya ng hindi pagpapatala sa anagrafe ay maaaring ipakita ang anumang medical o school certificate. Ito ay isa sa mga pagbabagong nilalaman ng ‘simplifications’.
Rome – Hunyo 14, 2013 – Binawasan ang mga hadlang sa pagkilala ng italian citizenship sa ikalawang henerasyon. Hindi pa ito ang pinaka-aasam na reporma ngunit isang positibong hakbang para sa ating mga kabataan na ipinanganak at lumaki sa bansang Italya at nais na maging ganap na mamamayang Italyano sa pagsapit ng ika-18 taong gulang.
Isang mahalagang pagbabago, dahil na rin sa pagsusumikap ng bagong Ministro ng Integrasyon na si Cècile Kyenge, ang nilalaman ng pacchetto sulla semplificazione (isang disegno di legge at isang decreto di legge) na bukas ay isusulong sa Council of Ministries.
Bukod pa dito, ay nasasaad din na ang mga nagnanais na maging ganap na mamamayan sa ika-18 taong gulang “sa pagkakataon ng di pagsunod sa administrative procedure, ng di sinasadya ng mga magulang. Ilang halimbawa nito ay ang kawalan ng pagpapatala sa bata sa anagrafe, isang pagkukulang na nagtatanggal ng karapatan sa mga nagnanais maging italyano na hindi mapapatunayan ang pananatili sa regular sa Italya.
Ayon sa bagong patakaran, ang mga anak ng mga imigrante ay maaaring maglahad ng mga sertipiko buhat sa paaralan at sa doktor bilang patunay na kahit hindi opisyal na nakatala bilang residente sa lungsod ay mapapatunayan ang pananatili sa Italya. Isang pamamaraang nilinaw na, (ngunit sa patlang ng maikling panahon lamang) sa pamamagitan ng isang circular ng Minsitry of Interior at ilang mga hukom na nagbigay na rin ng mga paglilinaw. Sa kasalukuyan ay awtomatiko ng pahihintulutan ito ng hindi na kinakailangang lumapit pa sa abugado o hukom.
“Nais kong ipahayag ang aking katuwaan dahil sa naging desisyon ng Gobyerno na isulong sa Council of Ministries ang semplipikasyon sa prosedura ng pagkilala ng citizenship sa mga ipinanganak sa Italya ng mga imigrante”, ayon kay PD deputy Khalid Chaouki. ”Ito ay isang mahalagang pagbabago na malaki ang maitutulong sa libu-libong mga kabataan na umaasa sa mas malalim na diskusyon sa nalalapit na Hulyo sa Parliyamento upang maabot ang inaasam na reporma ukol sa batas ng pagkamamamayan”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]