Hindi pa ulit hinaharap ang reporma na magbibigay ng Italian citizenship sa mga anak ng mga imigrante. Ang ddl sa komite sa Senado, hindi tatalakayin bago ang summer vacation, marahil sa Setyembre.
Roma, Hulyo 28, 2016 – Tinatayang isang milyon ang anak ng mga imigrante na hanggang sa ngayon ay patuloy na umaasa at naghihintay ngunit nananatiling bigo at ‘dayuhan’ para sa batas.
Ang inaasahang reporma na magbabago at magbibigay karapatan sa mga kabataang ito bilang ganap na italyano para sa batas ay nananatiling naka-pending sa Constitutional affairs Committee ng Senado kasama ang halos walong libong susog laban dito. Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon ng ito ay aprubahan sa Chamber of Deputies.
Hanggang katapusan ng Abril ay nagkaroon ng pangkalahatang diskusyon, ilang pagdinig at walang katapusang susog buhat sa Lega Nord. Pagkatapos ay inihinto, upang ihanay sa kategorya ang mga susog at hangaring ibalik sa diskusyon, aprubahan at ibalik sa Chamber.
Halos paniwalaan ang diskusyon nito sa ngayng linggo upang humantong sa isang konklusyon ang pagsussuri sa mga susog, ngunit sa kasamaang palad, ang pagsusuri sa mga susog ay sisimulan pa lamang ngunit ang katanungan….kailan?
Ang reporma, sa kabila ng lingguhang committee hearing ay hindi tinalakay ang ddl 2092, at binigyang priyoridad ang mga itinuturing na mas ‘urgent’. Halimbawa, sa ngayon ay ang ddl sull’editoria, na isang priyoridad higit sa karapatan ng mga kabataang ipinanganak sa Italya.
Kahit sa susunod na linggo, ayon sa inilathalang agenda, ang reporma ay mananatiling naghihintay. Sa susunod na linggo? Isang linggo bago ang summer vacation? Walang pag-asang sisimulang talakayin ang libu-libong susog sa isang araw at muling ihihinto ng isang buwan ang diskusyon. Sa Setyembre? Marahil kung ito ay ituturing na isang priyoridad ng komite.