109 migrante na nagmimithing maging ganap na mamamayang italyano, kasama ang Inca, CGIL at Federconsumatori, nagtagumpay sa ginawang class action laban sa Ministry of Interior ukol sa panahon ng pag-proseso ng mga aplikasyon. Piccinini: "300,000 ang naka-pending na aplikasyon at patuloy na naghihintay, habang buhay na mga imigrante o magiging mga new citizens?”
Roma – Marso 6, 2014 – Ang batas ay nagbibigay sa Ministry of Interior dalawang taong panahon, katumbas ng 730 days, upang tapusin ang mga pag-proseso sa pagbibigay ng italian citizenship, simula sa panahon ng pagsusumite ng aplikasyon. Sapat na panahon upang “bigyang katwiran ang anumang antala” sa pagtatapos ng proseso.
Hanggang sa kasalukuyan ay palaging binibigyang katwiran at inaasahan ang pagiging mas epektibo ng mga serbisyo, ayon sa Tar ng Lazio.
Tinanggap ng korte ang class action laban sa pagkaka-antala na ini-reklamo 2 taon na ang nakakalipas ng 109 kataong naghahangad maging ganap na Italian citizen, kasama ang Cgil, Inca at federconsumatori. Sa isang hatol na inilabas kamakailan, ay hinatulan ang Ministry na “bigyan ng solusyon ang sitwasyon” sa loob ng isang taon, sa kabila ng “pagkakaroon ng limitadong resources, human at financial”.
Ito ay isang pagkilos kung saan nararapat na nakiisa ang maraming dayuhan na nagnanais maging italyano. Bukod sa 730 days: karaniwang nakakatanggap ng kasagutan ang aplikante makalipas ang 3, 4 o 5 taon. At kasabay nito, ang mga tanggapan ay humihingi ng mga “hindi kinakailangang dokumento o papeles” o “mga updated version ng mga papeles na na-isumite na ng aplikante” na sa paglipas ng panahon ay hindi na balido.
Bukod pa dito, simula 2009, dahil sa kilalang Security Act o legge sulla sicurezza, ang aplikasyon ay nagkakahalaga ng 200 euros. Buwis na, ayon sa nasabing batas, ay para rin sa “anumang gastusin ukol sa pagsusuri sa aplikasyon”. Nangangahuluhang ang aplikante ay nagbabayad din para sa isang mas mahusay na serbisyo. Ngunit sa katunayan ay isang lumalalang sitwasyon. “Saan napunta ang halagang ibinabayad ng mga aplikante”, tanong ni Claudio Piccinini, ang coordinator ng Immigration office ng Inca.
Ang reklamo, sa isang banda, ay nagtataglay ng isang bahagi na maituturing na “constructive”, kung saan ang Cgil, Inca at Federconsumatori ay hiniling sa hukom na pag-utusan ang Ministry ng pagsubaybay sa proseso, panahon at gamit ng halagang ibinayad ng mga aplikante at gumawa ng mga aksyon upang mapabuti ang sitwasyon. Bahaging hindi tinanggap ng hukom dahil ito umano ay mistulang panghihimasok: at sa kabila ng nasasaad sa batas, ay hindi maaaring “ituro ang obligasyon at trabaho” sa Ministry.
Ang mga inihain na panukala gayunpaman ay balido. Halimbawa: ang paglilipat sa “trattazione” ng mga aplikasyon, gawing computerized ang komunikasyon sa pagitan ng mga tanggapan, ang hindi paghingi ng mga hindi kailangang papeles o ang updated version ng mga napasong papeles, gamitin ang halagang ibinayad ng aplikante upang mapabilis at maubos ang mga naka-pending na aplikasyon at iba pa.
"Kahit na walang reporma ang kasalukuyang batas, ay inaasahan naming ang tamang gamit ng mga available resources at ang availability ng Ministry upang muling tingnan ang proseso na pwede at dapat na bawasan ang panahon ng paghihintay sa citizenship. Ito ay isang mahalagang hakbang, kung nais nating iwasan ang pagiging imigrante habang buhay ng mga maituturing na new citizens. Mayroong 300,000 imigrante ang naghihintay, hindi tayo maaaring magpatuloy sa ganitong sitwasyon at pabayaan ang kanilang karapatan”, ayon kay Piccinini sa Stranieriinitalia.it.
Sa pagkakataong ito, ang mga “habang buhay na imigrante”, sa pagkakaisa ay nakuhang bigyang halaga ang kanilang hinaing, na makikitang nasasaad sa batas na dapat igalang ng Ministry of Interior. Malagaya si Piccinini at sinabing: “Kumpirmado, bagkus halos hindi inaasahan, ang halaga ng isang class action laban sa public administration”, ngunit ang laban ay patuloy: sa ngayon ay kailangang tunay na bawasan ang panahon ng paghihintay. Kami ay nakahandang humarap sa Ministry kung kinakailangan upang ganap na mapabuti ang kasalukuyang sitwasyon”.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]