Anak ng mga imigrante at anak ng mga Italians, pantay-pantay sa larangan ng sports.
Roma, Pebrero 23, 2016 – Mula ngayon ang anak ng mga imigrante at anak ng mga Italians ay maituturing na pantay-pantay sa football field at basketball court, sa athletics track at gyms kung saan sila ay magkakasamang lumalaki at masayang nagsasanay, marahil para sa isang pangarap ng pagiging tunay na kampeon.
Kamakailan ay simulang ipinatupad ang “Batas para sa integrasyon ng mga menor de edad na residente sa Italya sa pamamagitan ng membership sa isang sports club na bahagi ng national federation, association at anumang grupo na may layuning sport” (Batas 12/2016), na inaprubahan sa Parliyamento kalahatian ng Enero ng kasalukuyang taon. Ito ay tinawag na ‘cittadinanza sportiva’, isang mahalagang pamamaalam sa isang diskriminasyon.
Hanggang sa kasalukuyan, maliban sa ilang mga eksepsiyon ng tulad boxing o hockey, ang mga sports federation ay hindi pinahihintulutan ang membership ng mga kabataang dayuhan dahil requirements nito ang Italian citizenship. Ito ay isang hadlang sa pag-asa ng maraming kabataan para sa integrasyon sa pamamagitan ng sport at ang makalahok sa mga competition dahil nangangailangan ng italian citizenship.
Ang bagong batas, gayunpaman, ay para rin sa mga kabataang sumapit sa ika-18 taong gulang na nag-aplay na ng Italian citizenship. “Ang memebership – paliwanag sa batas – ay balido rin matapos sumapit ang ika-18 taong gulang hanggang sa tuluyang magtapos ang proseso sa citizenship – ayon sa batas Feb 5, 1992 bilang 91 – na nagsumite ng aplikasyon”.
Ito ay isang positibong hakbang, ngunit hindi nagtatapos dito ang mga karapatan ng ikalawang henerasyon. Ang batas na ito gayunpaman ay hindi magpapahintulot sa mga kabataang anak ng mga imigrante ang lumahok sa Olympics para sa Italya, ang bansa kung saan sila lumaki at marahil ipinanganak. Dahil dito, ay kinakailangan ang ‘tunay na citizenship’ at ang reporma na hinihintay ng milyong mga kabataan at ng kanilang mga pamilya.