in

Click day ng Decreto Flussi 2019, malapit na!

Tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ang Decreto Flussi 2019 ay inilathala na sa Official Gazette kahapon at ito ay hudyat ng opisyal na simula ng proseso para sa regular na pagpasok ng mga seasonal workers sa bansa.

Ang click day o ang pagsusumite ng aplikasyon o ang richiesta nulla osta per assunzione para sa dayuhang residente sa labas ng bansang Italya na nais kunin ng employer sa pamamagitan ng Decreto Flussi 2019 ay magsisimula sa April 16, 2019 at April 24, 2019.

Ang unang petsang nabanggit ay para sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga employers para sa non-seasonal at conversion ng ilang uri ng permit to stay.

Para sa non-seasonal ay tinutukoy ay:

1) mga non-Europeans na residente sa ibang bansa na nakatapos ng formation courses sa sariling bansa (batay sa articolo 23 ng legislative decree 286/25 July 1998);
2) mga mayroong italian origin, mula sa mga bansang Uruguay, Brazil, Venezuela, Argentina para sa non-seasonal at self-employment job
3) mga non-EU nationals para sa self-employment (lavoro autonomo).

Samantala, ang ikalawang petsang nabanggit ay tumutukoy naman sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga employers para sa hiring ng mga seasonal workers.

Gayunpaman, ang pamamaraan ng pagsusumite ng aplikasyon ay ilalabas ng Joint Circular mula sa Ministries of Interior at Labor para sa Rules and Regulations Implementing decree.

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2019, nasa Official Gazette na!

Permesso di soggiorno per valore civile, ibinigay sa dalawang imigrante sa Padova